Sa isang mainit na umaga ay nabulabog ang mag-asawang Matulungin dahil sa ingay na nagmumula sa labas na mistula mga taong panay ang reklamo at tila may galit sa mga puso.
MARITES: Hay! Ano ba naman ito, ang init-init! Parang kahapon lang malakas pa ang ulan, pero ngayong makakaluto na ng itlog ang init.
MARIETA: Naku, eh noong nakaraan nga may 3 namatay sa Purok siyete dahil nagka-COVID! Kung sana inagahan ng gobyerno ang pamamahagi ng bakuna, hindi sana nagkaganun. Tingnan niyo ngayon ah, madami pa ding nagkaksakit dahil nga kunukurap ng pamahalaan ang pondo!
MARISOL: Oo nga eh! Kasalanan ito ng gobyerno, ni wala man lang silang ginagawang hakbang para labanan ang climate change, wala na talagang pag-asa ang Pinas.
MRS. MATULUNGIN: Parang hindi naman po tama na sisihin ang pamahalaan kapag ang pangangailangan at suliranin natin ay di natutugunan.
MR. MATULUNGIN: Ahem! Pasintabi po, maaari po bang makasingit sa inyong usapan?
MRS. MATULUNGIN: Alam niyo bang nararanasan natin ang iba't ibang manipestasyon ng mga isyung ito at kadalasan pa nga'y kabilang tayo sa sanhi nagpapalala sa mga ito.
MR. MATULUNGIN: Tama iyon, dapat kalimutan na natin ang maling pananaw na pamahalaan lamang ang may tungkuling bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan. Nasa ating mga kamay din ang susi para sa pagbabago.
MRS. MATULUNGIN: Aling Marites, hindi ka o hindi tayo mga mamamayan lang. Sa katunayan, ang kapangyarihan ng Estado ay wala sa pamahalaan kundi nasa ating mga mamamayang bumubuo nito.
MARITES: Paano naman kami makakatulong? Eh mamamayan lang kami, sige nga?
Sukurta daugiau nei 40 milijonų siužetinių lentų
Nereikia Atsisiuntimų, Nereikia Kredito Kortelės ir Nereikia Prisijungti!