Noong taong 2019, muling naging sentro ng balita si Maria Ressa nang siya ay arestuhin dahil sa kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya at sa Rappler. Habang papasok siya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation, nanatili siyang kalmado at matatag sa harap ng mga mamamahayag. Sa harap ng kamera, sinabi niya, “Hindi ako natatakot dahil wala akong ginawang mali.” Ipinakita niya ang lakas ng loob at paninindigan bilang isang mamamahayag na naninindigan para sa katotohanan.
Skaidrė: 2
Ayon sa ilang kasamahan niya sa Rappler, sinabi raw ni Ressa na mahalaga ang patuloy na paglaban para sa malayang pamamahayag kahit may mga pagsubok na kinahaharap. Binanggit din ng kanyang mga tagasuporta na ipinahayag ni Ressa na ang pag-atake sa press freedom ay pag-atake rin sa demokrasya. Sa kabila ng mga hamon, nanatili siyang inspirasyon sa maraming Pilipino at mamamahayag sa buong mundo.
Skaidrė: 3
Ang pangyayaring ito ay nagpakita kung paano pinaninindigan ni Maria Ressa ang kanyang mga prinsipyo. Marami ang humanga sa kanyang katatagan at dedikasyon sa katotohanan. Sa huli, napatunayan niya na ang tapang at paninindigan ay mahalaga upang maipaglaban ang karapatan ng mamamayan sa tamang impormasyon.
Sukurta daugiau nei 40 milijonų siužetinių lentų
Nereikia Atsisiuntimų, Nereikia Kredito Kortelės ir Nereikia Prisijungti!