Ma'am maniwala po kayo sa akin, hindi ko po ginawa ang bagay na iyon. Nag-aral po ako ng mabuti para sa pagsusulit kaya po ako nakakuha ng magandang marka.
Hindi ko po alam, pero nasisiguro ko pong hindi ko magagawa ang bagay na iyan. Maniwala po kayo sa akin.
Nabalitaan mo naman na ang dahilan bakit kita ipinatawag rito hindi ba? Anak, totoo ba ang sinabi ng isa sa mga kaklase mo sa akin? Na ikaw raw ay nandaya sa pagsusulit na aking isinagawa?
Bumalik ka muna sa iyong klase anak at pagiisipan ko kung anong gagawin rito. At kapag nalaman kong hindi ka nagsasabi ng katotohanan ay mas bibigat ang parusa na iyong matatamo.
Kung ganoon ay bakit niya sinabi ang bagay na iyon, na ikaw raw ay mandaraya?
Hay...
Ang Pagkompronta ni Daisy kay Athena
Athena, alam kong ikaw ang nag-sabi kay Ms. Cruz na ako ay isang mandaraya. Bawiin mo ang iyong sinabi, nagmamakaawa ako sa'yo, alam natin parehas na hindi totoo ang iyong paratang.
Dahil katulad mo ay ako rin ay nagsikap na mag-aral para sa pagsusulit! Hindi ako nandaya at wala ka namang patunay na iyan ay totoo. Pawang pagpupursige at pagbibigay ng oras ang aking ginawa para sa markang aking nakuha.
Totoo naman ang kaniyang sinabi ...
Hindi ko iyong babawiin! Totoo namang paniguradong nandaya ka sa ating pagsusulit. Papaanong mas mataas ang nakuha mong marka kaysa sa akin?
Ang Panalangin
Panginoon, hindi ko na po alam ang maaaring kong gawin upang mailabas ang katotohanan. Hinihingi ko po ang iyong gabay sa magiging desisyon ni Ms. Cruz. Alam ko po na anak niyo din si Athena, kung kaya't bigyan niyo ng maaawain at mapagpakumbabang puso kung saan mailalabas ang katotohanan sa likod ng kaniyang paratang sa akin.
Nagtitiwala po ako sainyo Panginoon. Kung ano man ang maging desisyon ni Ms. Cruz ay nawa'y ito'y sa iyong kagustuhan, ika nga "Let it be done according to your will." Bigyan mo po kami ng mapagtiwalang puso sainyo at itinataas namin saiyo lahat ng balakid sa aming buhay. Ito po ang aming hiling, amen.
Nang malaman ni Daisy na siya ay pinaratangan ng pandaraya, agaran siyang pumunta nang ipinatawag ni Ms. Cruz sa kaniyang opisina. Mabigat ang kalooban niya habang pilit na ipinagtatanggol ang kaniyang sarili mula sa paratang ni Athena na pandaraya, hindi man sabihin ito ni Ms. Cruz ay alam niyang si Athena ang nagsabi rito. Nang alam niyang wala na siyang magagawa ay pumasok siya muli sa klase at roon ay kinausap si Athena.
Panibagong Araw
Dapat ay puntahan ko si Ms. Cruz at ipagtanggol ang aking sarili sa isa pang pagkakataon, kung hindi ito gagana ay... Ang Panginoon na ang bahala.
Ginawa iyon ni Athena?
Pagpasok ni Daisy ay kinausap niya agad si Athena ng makita niya ito, si Athena ay kilala sa mapait na ugali nito. Pinilit ni Daisy na aminin ni Athena ang kaniyang pagsisinungaling kay Ms. Cruz, ngunit dahil hindi matanggap ni Athena na mas mataas ang naging marka ni Daisy kaysa sakanya ay tinanggihan niya ito. Nang mapagtanto ni Daisy na hindi niya na mapipilit si Athena ay siya ay nauna ng umuwi. Napaisip si Athena sa kaniyang ginawang paratang kay Daisy, kung nararapat ba ito para kay Daisy na kilalang mabuti ang puso at malapit sa Panginoon.
Ang Katotohanan
Daisy, mabuti at andito ka na! Pupuntahan pa lamang kita sa iyong klase upang ibalita na ang katotohanan ay nailabas na. Pinuntahan ako ng iyong kaklase noong uwian kahapon. Paalis na sana ako ng ibinunyag niya ang kaniyang nagawa. Natutuwa ako na ikaw ay nagsabi ng katotohanan!
Nang makauwi si Daisy ay pumunta siya sa kaniyang kwarto at roon ay nanalangin. Si Daisy ay malapit ang puso sa Panginoon, lubos ang kaniyang pagtitiwala rito na siya ay gagabayan at bibigyan ng proteksyon. Kung kaya't bago niya harapin ang panibagong araw, siya ay nanalangin ng lubos na malabas ang katotohanan at maalis ang galit sa kaniyang puso para kay Athena dahil katulad niya, si Athena ay anak din ng Panginoon.
Ang Pagpapatawad
Athena! Narinig ko mula kay Ms. Cruz ang iyong ginawa. Gusto ko magpasala-
Hindi Daisy, ako ang dapat magpasalamat. Tama ka, parehas tayong nagsikap para sa pagsusulit na iyon. Patawad at nadala lamang ako ng aking inggit.
Pagpasok ni Daisy sa paaralan ay agaran niyang hinanap ang opisina ni Ms. Cruz. Balak niya itong kausapin muli at ipagtanggol ang sarili kung walang balak si Athena na sabihin ang katotohanan. Lubos ang kaniyang pagkanerbyos habang binabaybay ang lakarin patungo sa opisina ni Ms Cruz. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay ......
Sa opisina ay dali daling hinanda ni Daisy ang kaniyang sarili upang magpaliwanag kay Ms. Cruz. Ngunit, hindi niya inaasahan ang sinabi ni Ms. Cruz - si Athena ay ibinunyag ang katotohanan at tinanggap ang parusa. Ang puso ni Daisy ay nakatanggap ng kaginhawaang lubos. Paglabas niya ng opisina ay pumasok siya ng klase at hinanap si Athena.
Pero - paano po -... Andito po sana ako para magpaliwanag muli ngunit sa aking narinig na balita ay tunay nakagagalak po ito para sa akin Ms. Cruz! Ngunit, ano po ang mangyayari doon sa nagbunyag? Siya po ba ay maparurusahan din?
Huwag kang mag-alala anak, hindi ko siya bibigyan ng mabigat na parusa dahil siya ay naglakas loob na magsabi ng katotohanan sa akin. Tatanggap pa rin siya ng parusa ngunit hindi kasing bigat ng nararapat. Siya na, ikaw ay gumayak na sa iyong klase.
Hindi maalis kay Daisy ang kaginhawaan at saya ng tunay ngang ginabayan siya ng Panginoon. Katulad ng pagpapatawad sakanya ni Hesus, pinatawad niya si Athena sa kamaliang ginawa nito sa kanya - sa huli ay nabunyag ang katotohanan at nabigyang parusa ang nararapat. Si Daisy ay tunay na nabigyang galak, at gayundin naman si Athena na humingi at nabigyan ng pagpapatawad mula kay Daisy. Tunay nga katulad ng sabi sa Efeso 4:32, "Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo."
Ako ay nanalangin at tinupad ito ni Hesus. Kung kaya't pinapatawad na kita sa iyong ginawa Athena, salamat at naglakas loob ka na sabihin ang katotohanan,
Salamat Daisy. O siya, ako ay aalis muna at kailangan kong kitain muli si Ms. Cruz para sa kaniyang iaatas sakin na gawain. Hindi ko makalilimutan ang araw na ito Daisy!
Sukurta daugiau nei 40 milijonų siužetinių lentų
Nereikia Atsisiuntimų, Nereikia Kredito Kortelės ir Nereikia Prisijungti!