Class, sino ang nakakaalam dito kung ano ang CHED MEMO no.20 series of 2013?
Ako po sir ,Batay sa nasabing memorandum na ito, ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo kapag naipatupad na ang K-12 na programa. Nasa memorandum din na ang mga General Education courses ang ipapatupad sa pagtuturo ng mga Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante. Kabilang ang asignaturang Filipino sa nasabing General Education courses na ito.
Sang-ayon ba kayo na tatanggalin na ang filipino subject sa kolehiyo?
hindi po ako sang-ayon dahil hindi pa natin masyadong kabisado ang ating sariling wika kaya sana wag tanggalin para mas mapag-aralan pa ito ng mabuti
hindi din po ako sang-ayon dahil kapag tinanggal po ang filipino subject malilimutan po natin ang sarili nating wika at mawawalan na tayo ng galang dito kaya kung mamarapatin wag nalang taggalin ito.
Tama ang inyong mga sagot na pahalagahan at mahalin natin ang ating sariling wika kaya sana madinig ng CHED ang bawat saloobin ng mga tao.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių