Paieška

Unknown Story

Nukopijuokite šią siužetinę lentą
Unknown Story

Siužetinės Linijos Tekstas

  • Ipapakita ko sa kanila kung sino ang tama!
  • Isang araw ipinanganak ang isang tigre na sinabihan na baguhin ang mundo magpakailanman.Lumipas ang mga taon at nagsimulang mamuhi ang maliit na tigre sa kanyang mga magulang dahil sa paniniwala niya sa Diyos kahit nasunog ang kanilang mga tahanan.. Naniniwala siya na walang Diyos at nagsimulang maghiganti sa mga tao dahil naisip niyang hindi siya parurusahan ng Diyos.
  • Nagsimula siyang gumawa ng mga maling alingawngaw tungkol sa Diyos na wala at hindi pa rin naniniwala sa kanya ang mga tao kaya nagpasya siyang umakyat sa pinakamataas na bundok upang patunayan sa mga tao na wala talagang Diyos.
  • Ang lakas ng loob mong pumunta dito! Nakita kong gumawa ka ng lahat ng uri ng karahasan! Pinatawad kita pero hindi ka nakikinig! Nakaramdam ka ng pagod pero binalewala mo lang para patunayan sa mga tao na wala ako!
  • Siya ay naudyukan at nagsimulang umakyat sa bundok na tinatawag na Ang huling biyaya mula sa Diyos. Pagod na siya pero hindi na lang niya pinansin. Sinabi nila na umabot ito sa kalangitan at kung saan napagbigyan ang mga hiling ng mga tao.
  • Halos nasa tuktok na siya, pagod at excited, may nakasalubong siyang matandang lalaki. Binalaan siya ng matanda na huwag lumampas sa puntong iyon ngunit nagpasya siyang magpatuloy pa rin.
  • Narating niya ang tuktok ng bundok at nakita niyang walang laman ang langit. Tumawa siya habang nagsisimulang bumalik sa bundok. Biglang sumikat ang araw sa kanya at kinausap siya ng Diyos.
  • Pinarusahan siya ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng bagong pagkakakilanlan. Isang pusa, ang may siyam na buhay at laging natutulog.
Sukurta daugiau nei 40 milijonų siužetinių lentų
Nereikia Atsisiuntimų, Nereikia Kredito Kortelės ir Nereikia Prisijungti!
Storyboard That Šeima