Magandang umaga sa inyo! Ang aking ibabahagi ngayon sa inyo ay tungkol sa pagpapatupad sa gawaing pansibiko, beatitudes, o sa paggawa ng tama para sa ating komunidad. Ibabahagi ko rin sa inyo kung paano natin ito magagamit sa pagiging isang aktibong mamamayan. Tara!
Tayo ay nakatira sa isang komunidad na payapa, maayos, malinis at marami pang iba. Upang tayo ay magkaroon ng komunidad na payapa, maayos at malinis ay kailangan nating gumawa ng tama para sa ating komunidad o pagtupad sa gawaing pansibiko at beatitudes.
Bilang isang batang mamamayan kailangan din naming maging isang aktibong mamamayan at hindi lamang ang mga matatanda, kailangan natin maging aktibong mamamayan na tumutupad ng gawaing pansibiko at beatitudes. Para magawa natin ang mga iyan ay dapat tayo ay sumusunod sa batas.
Kapag tayo ay sumunod sa batas ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad ay mananatili dahil ang mga tao ay ginagawa lamang ang tama at mabuti para sa lahat at di lamang para sa kanyang sarili at hindi ginagawa ang masama para sa iba dahil kapag tayo ay lumabag sa batas alam ng mga tao na may maaaring maging parusa katulad ng pagkakakulong.
Pangalawa ay kailangan nating makilahok sa pagboboto. Kailangan nating bumoto upang may pinuno na mamumuno, gagabay at tutulong sa mamamayang kanyang nasasakupan. Ngunit ang pagboto ay di lamang ganon kadali dahil kailangan natin pumili ng mabuting pinuno na gagawain ang tama at napapanindigan niyang kaya niya gawain ang responsibilidad ng isang pinuno.
At ang huli ay ang pagtulong sa kapwa. Kailangan nating tulungan ang ating kapwa upang walang tao ang mahihirapan, isa sa mga paraan ng pagtulong sa kapwa ay ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit, pakikilahok sa mga programang para sa mahihirap at madami pang iba. Kapag tinulungan nating ang ating kapwa ay nasusunod na din ang mga beatitude katulad ng "Blessed are the clean of heart, for they will see God" at marami pang iba. Iyon lamang ang aking ibabahagi sa araw na ito at maraming salamat sa pakikinig.
Sukurta daugiau nei 40 milijonų siužetinių lentų
Nereikia Atsisiuntimų, Nereikia Kredito Kortelės ir Nereikia Prisijungti!