Pagpapakatao

Sukurkite Siužetinę Lentą
Nukopijuokite šią siužetinę lentą
Pagpapakatao
Storyboard That

Sukurkite savo siužetinę lentą

Išbandykite nemokamai!

Sukurkite savo siužetinę lentą

Išbandykite nemokamai!

Siužetinės Linijos Tekstas

  • Simula Marso pa lamang, taong 2020, ako ay hindi na muling lumabas pa sa aming tahanan. Nagkaroon kasi ng pandemya, at marami ring mga tao ang natakot na lumabas sa kani-kanilang tahanan dahil sa nakakamatay at mabilis na makahawang Covid-19.
  • Isang araw, habang sila’y kasama ko sa sala, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ni ate Melanie at ni tita.
  • Mukha ngang tao pa ang papatay sa iyo kaysa sakit!
  • Hindi naman sana positive ang pinsan ko pero ipinakalat pa nila sa lugar namin na namatay na raw siya dahil sa Covid-19.
  • Dito naman sa amin, nalaman lang ng mga tao na nagdaan sa test ang kapitbahay namin, ininsulto na nila ang buong pamilya, kahit ang mga bata, at pilit silang pinagtabuyan.
  • Layo! Mahahawa kami sa inyo.
  • Napakunot ang aking noo at napanguso ang aking mga labi. Hindi ako natuwa sa aking mga narinig.
  • Anong karapatan nila para gawin ‘yon sa kapwa nila. Alam ko namang natatakot ang lahat pero kailangan ba talagang umabot pa sa puntong pinagtatabuyan at iniinsulto ang mga nagkakasakit? Sa halip na tumulong o maki simpatiya, ganito gagawin nila?
  • Napabuntong-hininga na lamang ako pagkatapos ng malalim na pag-iisip. Umaasa na lamang akong magbago ang pananaw ng mga tao dahil ang mga nagkakasakit ay dapat nating sinusupotahan sa halip na kinukutya. Pagpapakatao lang naman ang kilos na iyon, hindi pa ba nila kayang magawa?
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių