Pumasok si Crisostomo Ibarra sa silid na nakaharap sa ilog. Siya ay naupo sa silya at tumitig sa bukas na bintana
Maliwanag ang ilaw sa bahay sa ibayo ng ilog at naririnig niya ang masasayang tugtugin ng gitara. Matatanaw niya ang isang marilag na babae, na ang magandang hubog ng katawan ay nabibihisan ng katutubong damit.
Nasa gitna ng nakapaligid na Intsik, Kastila, Pilipino, mga opisyal at pari, matatandang babae, at kabataang lalaki. Lahat sila ay nag-aagawang makabati at pumuri sa dalaga.
Ngunit hindi nakikita ni Ibarra ang lahat nang ito dahil may nagulo sa kaniyang isip. Parisukat na pader na kumukulong sa makipot na silid. Sa gawing itaas ng pader ay may munting bintanang rehas. Sa lapag ay may nakalatag na maruming banig na kinahihigan ng isang matandang naghihingalo.
Samantalang sa malayo ay ibang tanawin ang makikita. Kasayahan. Isang batang lalaki ang humahalakhak, sumisigaw, nagdidilig ng alak sa mga bulaklak sa saliw ng tawanan at palakpakan ng mga lasing nang kasamahan.
Nasisinag niya sa matandang lalaki ang kaniyang ama. Nakita niya ang sarili sa batang lalaki. Pangalan niya ang binibigkas sa panaghoy ng matandang lalaki.
Meer dan 40 miljoen storyboards gemaakt
Geen Downloads, Geen Creditcard en Geen Login Nodig om te Proberen!