Hi Bea! Absent ako kahapon e. Pwede mo bang i-share yung nakwento ni Tr. Abby kahapon?
Hello! Okay ka na ba? Sure, ikwento ko sa'yo. Tungkol yon kay Andres Malong at pag-aalsa nya sa San Carlos, Pangasinan.
TAONG 1660
Tama ka kapatid!
Natapos na natin ang barko ngunit wala pa tayong kinikita mula sa kanila!
Dapat tayong magkaisa! At ikaw bilang isang Maestro de Ocampo ang siyang dapat mamuno!
Dapat tayong mabayaran ng tama at naaayos sa pinag-usapan!
TAONG 1660
MABUHAY SI ANDRES!!! MABUHAY!!!
Bilang mga taga-Binalatongan, dapat nating ipagtanggol ang ating bayan!!
Mga kasama! Bilang pinuno ng pangkat na ito, labanan natin ang mga Español!
So ayun na nga, nagsimula na ang rebolusyon ng grupo nina Malong laban sa mga Español. Ayon sa nabasa ko, nagsimula sila sa Malangue. Mula doon ay mabilis na dumami ang naki-alsa sa grupo ni Andres.
Grabe pala ang panahon noon, no? Iba ang katapangan ng mga Pilipino noon.
PAGLUSOB SA LINGAYEN
MABUHAY!!!
Nasupil na natin ang Acalde Mayor ng bayang ito! Tagumpay ang ating pakikibaka sa mga Español!
Magpapadala ako ng sulat sa ating mga kababayan sa Ilocos at Cagayan upang tayo'y magbuklod para sa mga darating pang himagsikan laban sa mga dayuhan.
Bilang Konde ni Andres, nais kong sabihin...Mabuhay ang HARI NG PANGASINAN!
Mahigit 4000 na miyembro ang kumalat sa buong lalawigan para sa pag-aalsa. Ngunit, dalawang buwan lamang ang itinagal ng kanilang paghihimagsik. Unti-unti silang nabawasan, hanggang sa ika-6 ng Pebrero, 1661, nadakip si Andres at ilan niyang kasamahan. Sila ay pinatay ng mga dayuhan sa Lingayen kung saan nabansagang Hari ng Pangasinan si Andres.
Maikli man ang itinagal ng kanilang pag-aalsa, masasabi kong naging makabuluhan ito sa kasaysayan ng Pilipinas dahil naging parte ito ng paggising ng diwa ng mga Pilipino laban sa mga Español sa gawing Norte.
Ang galing! Salamat Bea, ha? May natutunan ako sa kwento mo.
You're welcome! Halika, kain na tayo, recess na e.
Meer dan 30 miljoen storyboards gemaakt
Geen Downloads, Geen Creditcard en Geen Login Nodig om te Proberen!