Sa ganap na ikapito ng gabi ay nagdatingan na ang mga panauhin. Magagalang silang bumati sa isa't isa. Pormal ang kanilang mga kilos na para bang noon lamang natutuhan iyon.
Dumating na si Psyche at Kupido sa bundok ng Olimpo!
Maya-maya pa'y dumating na ang bagong kasal. Binati at kinamayan sila, at magiliw na tinapik sa balikat ang lalaki.
Tinititigan nang makahulugan ng mga kalalakihan ang magandang hubog ng katawan ng babae at sinuri naman ng mga kababaihan ang kanyang kasuotan.
Dumating na ang dakilang diyos na kinabibilangan nina Padre Irene at Padre Salvi. Ang pinakadakila sa lahat ay wala pa rin. Hindi siya mapalagay, kinakabahan, at masasal ang tibok ng kanyang puso.
Nanakit na ang baywang ni Don Timoteo. Nag-iinit na ang mga kalyo ng kanyang paa. Nangangawit na ang kanyang leeg. Ngunit hindi pa rin dumadating ang Kapitan-Heneral.
Samantala, isang mahilig sa sining ang pumuna sa kromo ni Don Timoteo. Binuo niya sa isip na bukas na bukas ay sisingilin ang lahat ng utang ng mga tumutuligsa sa kanyang tindahan.
Nakarurumi at nakapapangit sa dingding ang mga kromo!
Ngunit gawa pa sa Europa ang mga iyan. Napakamahal at siya lamang maaaring mabili sa Maynila.
Narito na ang Kanyang Kamahalan!
Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig ng takbuhan ng mga kabayo. Dumating din ang Kapitan-Heneral! Kinakabahang pumanaog si Don Timoteo kasama ang kanyang anak upang salubungin ang Magnum Joven.
Ang Heneral ay nakadama ng kalungkutan. Ito ang huling tagumpay sa kanyang tatlong taong paghahari. At sa loob ng dalawang araw, iiwan na niya ang gayong kataas na tungkulin.Dadalhin niya ang malaking kayamanan ngunit marami siyang kalaban sa Corte.Bakit hindi siya magtagal nang kaunti pang panahon gaya ng payo ni Simoun? Hindi, dahil bago ang lahat ay karangalan muna.Sinikap niyang maging magiliw at pinilit niyang ngumiti.
Meer dan 40 miljoen storyboards gemaakt
Geen Downloads, Geen Creditcard en Geen Login Nodig om te Proberen!