Pauwi noon si Sisa mula sa bayan, nang maisip niya ang maaaring mangyari sa kanyang mga anak sa pagdating ng mga guwardiya sibil. Puno siya ng takot at kaba habang palapit na siya sa kanilang tahanan, iniisip kung ano ang pwede niyang magawa para maligtas ang mga anak.
Hindi nila pwedeng kunin ang mga anak ko...
Saglit na nawala ang kaba sa dibdib ni Sisa nang makita niya na paalis ang mga sibil mula sa kanyang bahay. Napansin niyang hindi kasama ng mga guwardiya sina Basilio at Crispin paalis.
Ngunit hindi nagtagal ang maginhawang pakiramdam na nasa kanyang dibdib. Isinama siya ng mga guwardiya sibil paputa sa kwartel upang pag-usapan ang ninakaw na dalawang onsa ng kanyang anak.
Habang kinakausap siya ng mga sibil tungkol sa ninakaw na pera ay nagmakaawa nalang siya at nag-isip ng paraan kung paano siya makakatakas upang panimulan ang paghahanap kina Basilio at Crispin.
Nasaan na ang pera?
Pagkatapos makatakas mula sa kwartel, si Sisa ay nagsimula na sa paghahanap kina Basilio at Crispin. Bilang isang ina, malaki ang nararamdamang responsibilidad ni Sisa upang makasama ulit ang kanyang mga anak.
Kailangan kong hanapin ang mga anak ko...
Basilio! Crispin! Mga anak ko...
Makalipas ang ilang araw ng paghahanap, sa wakas ay nakasamang muli ni Sisa ang kanyang mga anak at naglakad na sila pauwi sa kanilang bahay. Masaya at kuntento na ang kanilang pakiramdam.
Meer dan 40 miljoen storyboards gemaakt
Geen Downloads, Geen Creditcard en Geen Login Nodig om te Proberen!