Isang araw, ang mongheng Mohamenato ay nag-iisa at namamanata sa disyerto.
Ang Sultan naman ay namamaybay sa kaniyang ruta, sa kanyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao.
Nakita niya na hindi nagtaas ng kanyang ulo ang mongheng Mohametano habang dumadaan siya.Nagalit siya at nagwika -
"Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob."
Kung kaya't ang vizier o ministro ay nagwika-
"Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?"
"Hayaan mong ang Sultan ang magbbigay ng galang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa."
"Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan."