Lumaki si Maria sa pagmamahal ng kanyang Tiya Isabel, ama, at mga prayle. Labing-apat na taong gulang si Maria nang matanggap siya sa beatero ng Santa Catalina. Napaluha siya nang magpaalam ito kay Padre Damaso at sa kababata nitong kaibigan na si Crisostomo Ibarra. Pagpasok ni Maria sa kumbento, pumunta si Ibarra sa Europa para mag-aral. Gayunpaman, nagkasundo sina don Rafael at Kapitan Tiago na kahit magkahiwalay ang kanilang mga anak, pagdating ng tamang panahon, sila ay magkakaisa. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nagmamahalan.
Paalam crisostomo, hanggang sa muli nating pagkikita
Slajd: 2
Mailalarawan ang karakter ni Kapitan Tiago bilang isang guwapong lalaki, may maitim na kutis, maikli, at bilog ang mukha. Nasira ang kanyang hitsura dahil sa hindi katamtamang paggamit ng tabako. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Siya ang pinakamayamang tao sa Binondo dahil marami siyang negosyo at iba pang uri ng ari-arian. Sikat din siya sa Pampanga at Laguna bilang may-ari ng lupa. Malakas siya sa gobernador heneral at gayundin sa mga prayle
Slajd: 3
Ikinagagalak kong makilala kayo Padre Damaso at Don Rafael
Ang pagbili ng lupa sa San Diego ay naging daan upang makilala niya ang kura paroko na si Padre Damaso at naging magkaibigan din sila ng pinakamayamang tao sa San Diego na si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra.
Ikinagagalak din naming makilala ka Kapitan Tiago!
Ponad 40 milionów stworzonych scenorysów
Bez Pobierania, bez Karty Kredytowej i bez Logowania, aby Spróbować!