esp Storyboard Przez 3dbf3722
Szukaj

esp

Skopiuj tę scenorys
esp

Tekst Storyboardowy

  • Anak, anong nangyayari sa iyo? Bakit ka umiiyak?
  • Natatakot akong maging batang ina, itay! Ipapa-abort ko nalang ang batang nasa sinapupunan ko!
  • Anak, maawa ka sa bata, wala siyang kasalanan sa nangyari sa iyo. Alam kong alam mong nagsisisi ka sa iyong nagawa, ngunit hindi abortion ang sagot sa problemang ito. Walang muwang ang sanggol, kaya't huwag mo siyang pababayaan. Kahit gaano pa kahirap ang buhay, tutulungan ka namin ng iyong ina upang lumaking maayos ang iyong anak.
  • Patawarin niyo po ako, itay, kung sinuway ko kayo ni inay at nagpabuntis ng maaga.. Patawarin niyo po ako dahil alam kong mahirap lang tayo ngunit nagbigay pa ako ng dagdag na iisipin sa inyo.. Patawarin niyo po ako, itay, patawad po.
  • Kahit wala ang ama ng aking anak at mahirap lamang tayo, magpupursigi ako upang mabigyan ng sapat na pangangailangan ang aking anak. Patawad, itay, kung naisip ko ang abortion. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko at patuloy akong nagsisisi sa aking mga kasalanan.
  • Pakatandaan mo lamang, anak, na walang muwang ang mga sanggol sa nangyari sa iyo. Mahirap man tayo, narito naman kami ng iyong ina upang tulungan kang mabigyan ang sanggol na iyan ng magandang buhay. Ang mahalaga, napagsisihan mo ang iyong nagawa at ipangako mong hindi mo na ito uulitin. Mahal na mahal ka namin ng iyong ina, alam mo iyan.
Ponad 40 milionów stworzonych scenorysów
Bez Pobierania, bez Karty Kredytowej i bez Logowania, aby Spróbować!
Storyboard That Rodzina