Magandang Araw! Ako po ay si James. Ako ay isang batang mayabang. Subalit sa ngayon ako ay nagbago na.
Ako ay naging mayabang dahil naging kaibigan ko si Pedro. Parati niyang ipinagmamalaki ang kanyang sarili. Nainggit ako sa kanya, kaya ginaya ko ang sa kanyang ginagawang pagyayabang.
Isang araw kinausap ako ng aming punong guro at sinabihang "Ang pagiging mayabang ay di-magandang ugali at hindi dapat taglayin. Hindi dapat kinukumpara at ipinagmamalaki ang sarili kung anuman ang mayroon ka at iyong nakamit sa buhay. Dahil lahat tayo ay pantay-pantay.
Pag uwi ko sa aming tahanan inisip ko ang lahat na sinabi sa akin ng aming punong guro. Napagtanto ko na hindi tama na maging mayabang at ipinagmamalaki ko ang aking mga nagawa dahil kahit naman hindi ko sasabihin malalaman din naman ito ng ibang tao.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, iyon, madami akong naunawaan at natutunan sa sarili. ang pagiging mayabang ay hindi nakakatulong sa isang tao lalo na sa mga batang kagaya natin.
Kinakailangan lang nating maging tapat sa ating mga sarili. Ang pagyayabang ay maaaring makakasakit ng damdamin ng ibang tao. At maari ding itong makaimpluwensya sa iba. Hindi natin kailangang maging mayabang upang maging popular.
Utworzono ponad 30 milionów scenorysów
Bez Pobierania, bez Karty Kredytowej i bez Logowania, aby Spróbować!