Sinocentrism - paniniwala ng mga Tsino na ang China ang sentro ng daigdig.Pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura at kabihasnan ay natatangi sa lahat.
Ayon sa Kojiki, ang kapuluan ng Japan ay nabuo mula sa pagtatalik ng diyos na si Izanagi at diyosang si Izanami.
Mula sa paghuhugas ng kaliwang mata ni Izanami nagbuhat ang diyosa ng araw at kinikilalang diyos ng mga Hapones na si Amaterasu Omikami.
Ipinadala ni Amaterasu ang kaniyang apo na si Ninigi sa pulo ng Kyushu upang doon mamuhay.
Binigyan niya ito ng tatlong kayamanan: alahas, salamin at espada.
Ang kaapo-apuhan naman ni Ninigi na si Jimmu ang naging kauna-unahang emperador ng Japan noong 660 B.C.E.