Isang araw, may isang lalaki na naglalakad sa daan na may bitbit na kaunting bigas at gamot ng kanyang ama na may sakit. siya ay isang masipag at matulungin na anak, siya ay mula sa isang mahirap na pamilya at nakaranas sa hirap ng buhay ,at masasalamin niya ang kanyang pinagdaanan sa kanyang kuya Lito, siya ay nagsusumikap para makatulong sa kanyang pamilya at upang maipagtatanggol niya ang lupa na pagmamana ng kanyang pamilya laban kay Don Miguel. Siya ay galit sa bilis ng pagtakbo ng panahon. Pinuntahan ng kaniyang kuya Lito ang kanilang ama at sila ay nag-uusap, at sinabihan ni lito ang kanilang tatay na kunting tiis nalang ,giginhawa na ang kanilang buhay at magbubunga na ang kanilang pinaghirapan.
Isang araw, bago ang anihan ay sumugod ang mga tauhan ni Don Miguel sa bahay nina Lito, upang sila ay paailisin.
Nagkaroon ng madugong labanan sina Lito at ang mga tauhan ni Don MIguel dahil ipinaglalaban ni Lito ang kanilang karapatan sapagkat sila ang nagmamay-ari ng lupa at ang labanan na ito ang nag udyok kay Lito sa kanyang kamatayan.
Pinaalis na kayo ni Don Miguel, hindi niyo pagmama-ari ang lupang ito
hindi kmai aaalis dito sapagkat, magmamay- ari namin ang lupang ito.
Nagluksa ang pamilya ni Lito sa kanyang pagkamatay. Ang kanyang nag- iisang kapatid at kanyang ama ay hindi makapaniwala sa nangyari . Ang kanilang ama ay mas lalong nanghihina at pagkaraan ng ilang araw pagkatapos mamatay si Lito ay namatay din ang kaniyang itay, at bago ito mamatay ay nagwika itong " Anak, hindi na ako magtatagal. Simula pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng tadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang taning maipamana namin ay natitirang kapirasong lupang ito."Siya nalamang ang mag isang nakatira sa kanilang kubo, at nakita niya ang isang lumang araro at naisaisip niya na sa kanyang paglalaki ay magagamit din niya ang araro na iyon Pinapapaalahanan pa siya ng kanyang ama na hindi sa lahat ng panahon tayo ay malungkot at maghirap darating din ang araw na tayo naman ay maging masaya at paboran ng panginoon.
Ponad 40 milionów stworzonych scenorysów
Bez Pobierania, bez Karty Kredytowej i bez Logowania, aby Spróbować!