Kabanata IV, Aralin 3 ng Ibong Adarna

Utwórz Storyboard
Skopiuj tę scenorys
Kabanata IV, Aralin 3 ng Ibong Adarna
Storyboard That

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Stwórz własną Storyboard

Wypróbuj za darmo!

Tekst Storyboardowy

  • Napagkasunduan nina Don Pedro at Don Diego na linlangin si Don Juan, na nakatalagang tagabantay ng Ibong Adarna. Habang hindi nakatingin si Don Juan, pinakawalan ng dalawa ang Ibong Adarna.
  • Sa takot ni Don Juan na malaman ng hari ang kanyang kasalanan ay umalis na lamang siya sa palasyo at nagtungo sa bundok Armenya. Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawa niyang kapatid. Ayaw man nilang hanapin ang kanilang kapatid ay napilitan din silang sumunod sa utos ng hari.
  • Sa paghahanap ng dalawa ay natagpuan din nila si Don Juan sa bundok Armenya. Dito napagkasunduan ng tatlo na manirahan na lamang sa bundok Armenya.
  • Nang namasyal ang tatlong prinsipe sa kabundukan, may natagpuan silang isang mahiwagang balon. Tanging si Don Juan lamang ang nagtagumpay sa paglusong sa mahiwagang balon dahil sa kanyang tibay ng loob at pananalig sa Diyos.
  • Sa ilalim ng balon natagpuan ni Don Juan ang isang palasyo kung saan naninirahan ang isang dalaga na ang pangalan ay Donya Juana. Iniligtas ni Don Juan ang dalaga sa higante na nagbabantay. Nang paalis na sila sa ilalim ng balon, ipinakiusap ni Donya Juana na iligtas din ang kanyang kapatid na si Donya Leonora.
  • Si Donya Leonora ay bihag ng isang serpiyenteng may pitong ulo. Nagsimula ang paglalaban ni Don Juan at ng serpiyente na nagtapos sa isang madugong labanan. Sa tulong ni Donya Leonora at dahil na rin sa matibay na pananalig sa Diyos, natalo ni Don Juan ang serpiente at napalaya si Donya Leonora.
Utworzono ponad 30 milionów scenorysów