Nilinlang kami ng mangkukulam na mga tagalog. Kapalit ng tatlong balde ng hipon, tatlong manok at isang bala. Napilitang isuko ng amng mga pinuno ang aming lupain-ang aming lupaing minana sa mga ninuno. Isa sa mga ama ko ang tumutol, isa rin siya sa mga nagdilig ng sarili nyang dugo.
BUHANGIN - Greth the Great
Ako na lamang mag-isa. Hindi may natira pa sa akin. At dinukot ko sa aking bulsa ang maliit na bote na may lamang lupa. Isang hapon, nang nabalitaang magpupunta rito ang mga tagalog na may mahahabang baril, pumunta ako sa may gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa, saka inilagay ito sa loob ng bote.
BUHANGIN - Greth the Great
Walong taong gulang pa lamang ako kaya't di ko nauunawaang parte kami ng negosyo sa resort na iyon at hindi nilalang na may puso't isipan. Kami ay nagtitinda ng mga hinabing basket, pamaypay, tsinelas, mga palamuti sa bahay at mga souvenirs.
1
BUHANGIN - Greth the Great
Ako ay isang Ata-Manobo. Pango, maitim, maalon ang buhok. Pangit ako kung titingnan sa salamin ng superpisyal na kultura na nagdodomina sa isip ng mga tao.
2
BUHANGIN - Greth the Great
Ang bote na aking hawak ngayon ay naglalaman ng espiritu natin, ng mga Ata-Manobo. Ito lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw sa atin. Oo, ako'y katutubong uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako'y di-makalilimot, di-makalilimot.
3
BUHANGIN - Greth the Great
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay.PAALAM
4
5
6
Ponad 40 milionów stworzonych scenorysów
Bez Pobierania, bez Karty Kredytowej i bez Logowania, aby Spróbować!