Procurar

Unknown Story

Copie este storyboard
Unknown Story

Texto do Storyboard

  • Nagsimula na si Jin na magmaneho papunta sa lugar kung saan sila magkikita ni Gab. Nagsimula na rin dumilim ang langit at umulan ng malakas.
  • Nagmamadali si Jin na lumabas doon at pumasok sa sasakyan niya.
  • Hindi ko alam kung dapat akong maniwala kay Risa kaya pupuntahan ko si Gab para sa kanya ko mismo malaman ang katotohanan. Parang ang dami-dami ko pang hindi alam.
  • Tumunog ang phone ni Jin kaya tinignan niya ito. May sinend na MMS si Mika sa kaniya at pagtingin ni Jin ay nakita niya ang isang picture nina Gab at Mika na naghahalikan.
  • Kailan pa ang picture na 'to? Bakit hindi ko alam 'to?
  • Naririnig ni Mika ang pag-iyak ni Jin sa kabilang linya. Hindi na kasi mapigilan ni Jin ang luha niya dahil sa nasasaktan siya sa mga nalaman niya.
  • Tinawagan din siya ni Mika na agad niyang sinagot.
  • Oh, my! Are you crying? Did you see it, Jin? Poor you. Did you really think na ikaw lang ang gusto ni Gab? Of course, he also likes me.
  • Tama na, Mika! Please!
  • Does it hurt? Come on-
  • Hindi na kinaya ni Jin ang mga sinasabi sa kaniya ni Mika kaya binabaan niya na ito ng tawag.
  • Sinubukang tawagan ni Jin si Gab pero hindi ito sumasagot kaya si Zeke nalang ang tinawagan niya para maka-usap.
  • Jin, hindi kita maintindihan. What happened? Tell me.
  • Zeke, gano'n ba talaga ako kadaling paglaruan?!
  • Napatingin si Jin sa dinadaanan niya. Dahil sa umiiyak siya at may kausap siya sa phone ay hindi niya malayan na nasa kabilang lane na siya ng kalsada at may truck na parating. Nabitawan niya ang phone niya at sinubukan na pumreno ngunit hindi gumana ang brakes ng sasakyan kaya siya nawalan ng kontrol sa sasakyan.
  • AAAAA!
  • Charel!
Mais de 40 milhões de storyboards criados.
Sem Downloads, sem Cartão de Crédito e sem Necessidade de Login Para Experimentar!
Storyboard That Family