Procurar

KARILYO

Copie este storyboard
KARILYO

Texto do Storyboard

  • Ang bayan ng Santa Rosa ay kilala sa masaganang kalupaan at mgakabukiran. Ang bawat magsasaka at kanilang pamilya ay binibiyayaan ng magandang ani tuwing sasapit ang panahon ng anihan. Nariyan ang samu’t saring uri ng pananim tulad ng mga palay, mais, patatas, kamote, singkamas, labanos, at iba pang mga gulay na maaaring makita sa bahay kubo. Kabilang ang pamilya ni Rosa sa mga nakatatamasa sa kabutihang dulot ng Diyosa ng mga ani na si Sikhay.
  • SIKHAYAN
  • Rosa: Ang swerte talaga ng bayan natin, nanay at tatay!Napakabuti sa atin ni Diyosa Sikhay! Tiyak na punong-puno na naman ng masusustansiyang gulay ang sinigang na ulam natin! Nanay Arlene: Tama ka riyan, anak. Pero hindi rin naman natin ito matatamasa kung hindi rin sa sipag at pagsisikap ng iyong tatay at iba pang mga magsasaka dito sa ating nayon.Tatay Leon: Siyang tunay! Ani nga ni Bathala, nasa Diyos ang awa at nasa tao naman ang gawa. Osiya Rosa, maiwan ka na namin ng nanay mo at magsisimula na kaming mag ani bago dumating ang tag-ulan.Rosa: Ingat po kayo, nanay at tatay! Mag-eensayo na rin po ako sa pag-sayaw.
  • Sa pagpapatuloy ng kanilang ganitong pamumuhay ay tila ba naging kampante na ang mga mamamayan ng Santa Rosa. Sa sobrang gana ng mga ani, unti-unting nawala ang pagsisikap nila sa kanilang kabuhayan. Napadalas din ang kanilang pagsasaya at pagsunod sa mga sariling kalayawan. Hindi nila namalayang unti-unti na ring nauubos ang kanilang mga inimbak na ani.
Mais de 40 milhões de storyboards criados.
Sem Downloads, sem Cartão de Crédito e sem Necessidade de Login Para Experimentar!
Storyboard That Family