Procurar

Filipino project

Copie este storyboard
Filipino project

Texto do Storyboard

  • Ako na lamang mag-isa. "Hindi, may natira pa sa akin. At dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang malilit na bote na may lamang lupa.
  • Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa.
  • Isang Ata-Manobong iskolar, nagtapos sa prestihiyosong unibersidad, waring isang istoryang katumbas ng pagkakakita sa isang sasakyang pangkalawakan ng mga nilalang galing ibang planeta.
  • Ang bote na aking hawak ngayon ay naglalaman ng ispiritu natin, ng mga Ata-Manobo. Ito lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw mula sa atin. Oo, ako'y katutubong uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako'y di nakalimot, di makalilimot.
  • Nanginginig ang aking mga laman habang nakatayo sa gitna ng mga tao. At bigla ang lahat ay naging blangko. Ang mga politiko, media, mga prominenteng tao, at mga kapwa kong Ata-Manobo sa aking harapan ay waring walang buhay ng mga oras na iyon. Tahimik. Nagtataka. Ano ang nangyayari? Ano ang kaniyang sinasabi? Ha? Ako lamang pala ang nakakabatid.
  • Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay
Mais de 40 milhões de storyboards criados.
Sem Downloads, sem Cartão de Crédito e sem Necessidade de Login Para Experimentar!
Storyboard That Family