Anak punta na kayo doon mag-boblow na ng kandila
Oh mga bata, dito na kayo!! mag-bblow na ng kandila si Clarence!!
Oh, nasan na yung birthday boy? mukhang wala pa siya dito..
Hay nako Clarence HAHAHA takot na takot nanaman.. puntahan ko nga yung batang yon..
Nasan na pumunta yung batang yon? Mag-boblow na siya ng candle.. Hay nako.. check mo nga sa kusina baka nagtatago nanaman yon sa clown..
November 9th, 2004.. ito ang araw ng aking ika-sampung kaarawan. Madaming mga bisita ang dumalo. Nandoon ang aking mga kamag-anak at kaibigan. Simpleng handaan lamang ang ginawa para sa aking kaarawan. Naghanda sila ng mga onting pagkain at pa-sorpresa sa aking kaarawan. Nag-tawag din sila mommy at daddy ng clown para naman maging maganda ang daloy ng aking kaarawan. Ngunit sa hindi nila pagkaka-alam, ako ay takot na takot sa clown. Tinawag na ng Clown ang mga bata para mag-blow na ako ng kandila.
Batang to talaga oh HAHHAA dito ka na jusko di ka naman kakainin non.. dito ka na samahan ka ni daddy sa harap..
Clarence! Anong ginagawa mo diyan? HAHAHA hinahanap ka na nila doon mag-boblow ka na ng candle mo.. natatakot ka nanaman ba sa clown? HAHA
Opo pa.. natatakot po kase talaga ako..
Sa sobrang takot ko sa clown ay hindi ako pumunta sa harapan para mag-blow ng candle. Nagtago ako sa kusina dahil takot na takot ako. Andami nang mga bata ang pumunta sa harapan at napansin nila na wala pa ako sa harapan. Kaya naman, nagsalita ang clown para hanapin ako.
Oh kantahan na natin si Clarence ng Happy Birthday!! Happy Birthday to you!!
Nagtataka ang dalawa kong magulang kung bakit wala pa ako sa harapan. Nalilito na si mommy kung nasan ako at si daddy naman natatawa kase wala pa ako. Nahalata ni mommy na yung pagiging takot ko sa clown at naisip niya na tinataguan ko ito habang si daddy naman ay tumatawa lamang. Sinabi ni daddy kay mommy na hahanapin daw ako ni daddy at sasamahan niya ako sa harapan.
Yehey!! Happy Birthday Clarence!!
Pinuntahan na ako ni daddy at sabay tinanong niya ako kung ano daw ang ginagawa ko sa kusina sapagkat hinahanap na daw ako sa labas para mag-blow ng kandila. Natanong niya din sakin kung bakit natatakot ako sa clown. Sinabi ko kay na natatakot talaga ako sa clown at hindi ko alam kung bakit. Takot na takot ako non sapagkat bata pa ako at hindi ko alam na isa lang pala silang mga komedyante. Sinabi ni daddy na sasamahan niya nalang daw ako sa gitna para hindi ako matakot.
Sige po Daddy..
Sinamahan na nga ako ni daddy sa gitna ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin mapigilan matakot at kabahan sa clown. Nasa likuran ko lamang yung clown habang nagsasalita ito. Nakatingin sakin si daddy non habang binoblow ko yung kandila. Nakikita ko yung mga bisita ko na nakaupo at natatawa sila sapagkat nahahalata nila sa mukha ko na natatakot ako. Onti-onti din namang nawala yung kaba na nararamdaman ko nung nag-simula na silang kumanta ng happy birthday sakin.
Nang na-blow ko na ang kandila, nagsi-putukan na ang mga confetti sa likod at sabay-sabay silang bumati ng happy birthday. Tuwang tuwa ang mga bata sa putok ng confetti at si daddy naman ay naka-ngiti lang din sa may harap ko. Nilapitan din ako ng clown at tinanggal nya ang kanyang make-up para batiin ako ng happy birthday at personal na niyakap ako. Doon ko napagtanto na wala namang rason para sila ay katakutan sapagkat ang tanging trabaho lang naman nila ay magpasaya ng mga tao lalo na ang mga kabataan.
Happy Birthday Clarence!!
Peste 40 de milioane de storyboard-uri create
Fără Descărcări, Fără Card de Credit și Fără Autentificare Pentru a Încerca!