Căutare

2nd slide

Copiați acest Storyboard
2nd slide

Storyboard Text

  • Alexander, talagang nagui-guilty parin ako sa ginawa kong pandaraya kahapon sa English Test.
  • Bakit ba?! Maayos naman na 'yon, eh! Perfect mo nga iyong exam!
  • Pero na-perfect ko iyong exam dahil nga sa pandaraya ko! Psh... Ah, basta. Kakausapin ko parin si Mr. Vera.
  • Eh, ayaw ko nga! Bahala ka diyan. Kung ayaw mo akong samahan, edi huwag!
  • Ano ka ba, Jane! Tama na oh! Hayaan mo nalang! Dapat nga masaya ka pa eh.
  • Edi sige! Bahala ka rin sa buhay mo!
  • Hey, Jane! Magandang umaga!
  • Alam mo, Emily? May sasabihin ako sa'yo!... Sabi ni Jane kanina ay sasabihin niya daw sa guro natin na nan-daya tayo sa test kahapon.
  • Ah, oo. Magandang umaga rin.
  • Ah, bahala ka sa buhay mo! Basta huwag mo kaming idadamay sa gagawin mo. Kung hindi, malilintikan ka sa amin.
  • Iyon nga iyong sinabi ko! Pero hindi siya nakikinig.
  • Jane, tama na kasi 'yan. Kasi, kung itutuloy mo pa yang binabalak mo ay mapapahamak tayong lahat.
  • UGH!
  • Eh, malay mo lang naman. Baka hindi magalit si Sir. Baka matuwa pa nga iyon, eh kasi nagsabi ako ng totoo.
  • Hays! Bahala na nga!
  • Oh, sige. Bakit ba? Ano bang sasabihin mo, iha?
  • Hello po, Mr. Vera. Uh, pwede po ba kitang kausapin tungkol sa ginawa naming pagsusulit kahapon sa English?
  • Kasi, S-Sir... nandaya kasi ako kahapon para sa exam. Kaya ayon, na-perfect ko... Pero, hindi ko na talaga kayang itago, eh. Nako-konsensya na ako, Sir.
  • Yes, Mr. Vera. Hinding-hindi na po mauulit pa. At saka, maraming salamat din po.
  • Pero, para sabihin ko sa iyo, iha... Talagang disappointed ako sa ginawa ninyo na magkakaibigan. Ngunit, sige. Mag-exam nalang kayo ulit. At higit sa lahat, pakiusap, huwag na kayong man-daraya pa.
  • Oo, iha. Hinihintay lang kita na umamin. At sobrang nagpapasalamat ako sa'yo kasi nakaya mong sabihin sa akin mismo ng diretso ang nagawa mong mali.
  • Alam mo, Jane? Alam ko naman, eh. Nakita ko kasi sa mga gawa niyo at ramdam ko rin sa inyong mga salita-- na may ginagawa kayong mali ng mga kaibigan mo sa likod.
  • phew!
  • Po? Totoo po ba 'yan?
  • Alam mo, Jane? Alam ko naman, eh. Nakita at ramdam ko kasi na may ginagawa kayong mali ng mga kaibigan mo sa likod.
Peste 30 de milioane de Storyboard-uri create
Fără Descărcări, Fără Card de Credit și Fără Autentificare Pentru a Încerca!
Storyboard That Family