Page 4 Storyboard de 4645a110
Căutare

Page 4

Copiați acest Storyboard
Page 4

Storyboard Text

  • Slide: 1
  • Isang araw, may mga kaklaseng nagsabi na hindi sila bagay sa grupo. Walang nagsalita agad. Naalala nina Princess at Joseph na lahat ng tao ay may karapatan, kahit sino ka pa o kung saan ka man nagmula.
  • “Hindi niyo alam ang pinagdadaanan namin! Lahat tayo may karapatan dito, kahit ano pa ang itsura natin.”
  • “Bakit nila pinapansin ‘yong mga kakaibang itsura? Hindi naman sila bagay sa atin.”
  • "Tama! Ang respeto ay hindi dapat pinipili, kundi dapat ito ay para sa lahat.”
  • “Ahh… pasensya na, hindi ko sinasadyang sabihin sainyo ang mga salitang iyun.
  • Slide: 2
  • “Princess, laging mong tatandaan, igalang mo ang sarili at ang iba. Yan ang bahagi ng ating kultura.”
  • Sa bahay, tinuruan si Princess na igalang ang pamilya at sarili. Si Joseph naman ay tinuruan na tumulong at makisama sa iba. Magkaiba man ang kultura, pareho ang aral na tinanggap nila.
  • “Oo, pareho tayo sa pagiging mabuti sa kapwa.”
  • “Joseph, tulungan mo ang kapwa mo at palagi kang makisama sa lahat. Yan ang itinuturo sa atin ng ating kultura.”
  • “Kahit iba ang tradisyon namin, pareho pala ang aral na itinuro sa atin, Joseph.”
  • Slide: 3
  • Sa susunod na pagkakataon, pinili nilang magsalita. Maayos at malinaw ang kanilang sinabi. Hindi sila galit, pero alam nila na mali ang pananahimik.
  • “Alam niyo, masakit ang husgahan ang iba. Sana maging maingat tayo sa mga ating sinasabi sa iba.”
  • Hindi ito tungkol sa pagiging iba. Lahat tayo ay karapat-dapat igalang at tanggapin.”
  • “Naiintindihan namin… pasensya kung may nasabi kami na hindi tama.”
Peste 40 de milioane de storyboard-uri create
Fără Descărcări, Fără Card de Credit și Fără Autentificare Pentru a Încerca!
Storyboard That Family