Unknown Story Storyboard de 569022ba
Căutare

Unknown Story

Copiați acest Storyboard
Unknown Story

Storyboard Text

  • Magandang araw sa iyo, Jenina! Buti at narito ka na. Maaari na tayong magsimula sa ating takdang-aralin.
  • Magandang araw din sa iyo, Sky! Sige, magsimula na tayo.
  • Alam naman natin na ang COVID-19 pandemya ay nagsimula ng taong 2019 sa Wuhan City, China. Ngunit napunta ang sakit na ito sa Pilipinas noong 2020 dahil sa mga dayuhang walang kaalam-alam na nahawa pala sila ng sakit na ito.
  • Ang paksang ibinigay sa atin ay tungkol sa mga napapanahong isyu. Ako na ang magsisimula at sunod ka para maayos ang takbo ng ating pag-uusap.
  • Sa lalong madaling panahon, nakabuo ang mga siyentipiko ng vaccine upang makatulong maprotektahan ang lahat laban sa nasabing sakit.
  • Pero malaki ang naging dulot nito sa ating ekonomiya at sa buhay ng mga tao. Ang mga trabaho ay nagsara at nagbawas ng empleyado dahilan ng pagkawala ng hanap-buhay ng karamihan.
  • Nagsara ang lahat ng establishimento at dumami pa ang kaso ng COVID-19. Nagkaroon din ito ng maraming uri o variants na may iba't-ibang lebel ng lakas at epekto.
  • Isunod mo pa ang labanang ginaganap ngayon sa pagitan ng Ukraine at Russia.
  • Ang paglalaban ng Ukraine at Russia ay nakakaapekto sa ekonomiya ng buong mundo at ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin tulad ng krudo, gasolina, at iba pa.
  • At nito lamang ika-12 ng Hunyo taong 2022, nasa mahigit apat na libong sibilyan na ang namatay sa labanan ng Ukraine at Russia.
  • Binabatikos ngayon si BBM ukol sa mahigit 16-milyong lamang ng kaniyang boto sa iba pang kandidato ng pagka-presidente. Pati ang pamamalakad ng dating presidenteng si Ferdinand Marcos Sr. at ang Oxford degree ni BBM.
  • Hindi naman sa fan ako ni BBM ngunit tayo sana ay maging obhetibo at huwag siyang husgahan base sa kung anong mga ginawa ng kaniyang yumaong ama.
  • Marami ding haka-haka ang nakapalibot ukol sa mga kandidatong tatakbo ngayong Eleksiyon 2022.
  • Sang-ayon ako sa 'yo, Sky. Dapat muna nating obserbahan ang kakayahan ng ating mga lider bago natin sila husgahan.
  • At sana ay matapos na ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia para tuluyan nang bumalik sa normal ang lahat.
Peste 40 de milioane de storyboard-uri create
Fără Descărcări, Fără Card de Credit și Fără Autentificare Pentru a Încerca!
Storyboard That Family