Oo naman bunso, ano ba ang iyong gustong itanong bago tayo umalis?
Tumatak po kasi sa aking isipan ang mga pangyayari lalo na ang pagdakip kay Ibarra at iba pang mamamayan sa San Diego? Ito po kaya ay makatarungan at nararapat?
Ate, hindi ba tinalakay at inaral niyo na ang nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal?
Pangalawang Senaryo
Alam mo bunso, sa tingin ko ay ikaw dapat ang sumagot sa tanong na iyan. Sa tinging mo ba ay nararapat at patas ang batas sa pagdakip kina Ibarra, Don Rafael, ang kapamilya ni Elias at iba pa?
Hmm, kung ako po ang tatanongin....ang sagot ko ay hindi. Naniniwala ako na hindi dumaan sa maayos na proseso ang pagsisigurado na sila ay "guilty" sa mga alegasyon na ibinibigay sa kanila. Ang katotohanan ay natatakpan ng mga nasa taas  at mga taong tunay na nagkasala, katulad ng sabi, "ang batas ay para lamang sa may kapangyarihan".
Pangatlong Senaryo
Pero bunso, nakalimutan mo yatang ang mag-amang Don Rafael at Crisostomo Ibarra ay mayaman at maimpluwensiya?
Kahit na ang mag-ama na si Don Rafael at Ibarra ay mayaman, hindi sapat ang kanilang yaman upang magapi ang mga taong sila'y kinamumuhian. Sila ay may mabuting puso kung kaya't mas naging mapusok ang mga galaw ng may mga galit.
Ikaapat na Senaryo
Tama, iba ang nananaig na kapangyarihan kapag napangungunahan ng emosyon. Nagkakasala at nakatatapak ng ibang tao.
Ito pa ang mga taong may layunin na tulungan ang mga tao at sila ang naaapi dahil sa kabutihan ng kanilang puso. Ang mga pangyayaring naganap ay nagpapakita kung gaano kawalang liksi ang sistema ng pagpapatakbo sa batas noon pa lamang. 
Ikalimang Senaryo
Kahit ngayon ay umiiral pa rin ito, hindi ba?
 Ang pagdakip ay hindi impluwensiya na sila ay tunay na nagkasala sa mata ng batas, kundi, ito ay impluwensiya ng mga sariling damdamin katulad ng galit at selos, pati na rin para sa kapakinabangan ng mga tunay na nagkasala. Kahit na hindi sila ang may kasalanan ay sila ang nabibilanggo habang ang mga may tunay na sala ay nagpapakasasa.
Tama Ate, base sa mga pangyayaring aking nakikita mula sa mga news at articles!
Ikaanim na Senaryo
Osiya, tama na itong usapin na ito at mukhang nawili tayo hahahaha, gumayak ka na at paandarin ko ang sasakyan!
Salamat Ate! Sige po at mag-aayos na ako ng gamit. Hays, buti nalang at marami akong natutunan ngayin.
Peste 40 de milioane de storyboard-uri create
Fără Descărcări, Fără Card de Credit și Fără Autentificare Pentru a Încerca!