Isang araw, umuwi ng lasing si Baste. Naka-tyempo naman na sobrang nananabik si Pancho sa kanya kung kaya’t tumakbo ito patungo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ng aso, tinaboy siya ni Baste.
Nagtampo ang kawawang aso. Kinabukasan, pagka gising ni Baste, wala si Pancho sa bahay nila. Hinanap niya kung saan-saan. Bumalik na rin siya sa dating nilang bahay ngunit wala ang aso doon.
Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo, doon sumagi sa isip niya na ibang-iba na talaga ang buhay niya. Naalala niya yung mga panahong makapaglaro lang sila ni Pancho ay masaya na siya.Napagtanto niya na lubos niyang napag-iwanan ang tanging nandun palagi sa tabi niya bukod sa tito niya. Bigla niyang naalala ang daungan. Agad-agad siyang pumunta roon.
Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan niya ito na parang nilalambing. Agad naman humiga ang aso sa mga paa ng binata.
Simula noon, palagi na muling naglalaro sina Baste at Pancho. Bumabalik na rin sila sa mga dati nilang pinupuntahan at inaalala na ng binata ang dati’y simpleng pamumuhay.
THE END...
Peste 40 de milioane de storyboard-uri create
Fără Descărcări, Fără Card de Credit și Fără Autentificare Pentru a Încerca!