Noong unang panahon, mayroong mag-asawang nag-ngangalang Sagwakong, ang ama at Yakanipadim, ang ina. Sila ay may anak na batang babaeng nag-ngangalang, Kinagipa. Sila ay nakatira sa probinsya.
Pagkalipas ng lima't kalahating taon, nag-umpisa nang mag-aral sa elementarya si Kinagipa. Isang araw, may magaganap na quiz bee sa paaralan ni Kinagipa. Sinubukan niyang lumahok dito dahil wala siyang magawa, at naisip niya na baka math quiz bee na ang para sa kaniya.
Para sa paglahok ng math quiz bee kailangan muna nilang magsagot ng mga math equations at dapat paunahan silang makasagot. Pagkatapos ng mga tanong, nanalo si Kinagipa. Kaya siya ay tuwang-tuwa, sinabi niya sa kaniyang mga magulang na makakalahok siya sa math quiz bee.
Dahil nagtatrabaho ang ama ni Kinagipa na si Sagwakong. Ang ina ni Kinagipa na si Yakanipadin ang kasama niya sa mga quiz bee na sinasalihan ni Kinagipa gaya nang MTAP at Mathraton. Madalas makapasok si Kinagipa sa Top 1-3. Si Kinagipa ay laging active at masaya sa kanyang paaralan sa probinsya. Ngunit, mayroong nangyari na nagbago sa buhay ni Kinagipa at kaniyang pamilya.
Kailangan nang lumipat nina Kinagipa, Sagwakong, at Yakanipadin sa siyudad. Kailangan nang iwan ni Kinagipa ang kaniyang best friend na sa Pagilanya. Nang makalipat na ng paaralan si Kinagipa, hindi na siya naging active sa paaralan tulad nang dati. Pero alam naman ng kaniyang mga bagong kaklase na mahilig at medyo magaling siya sa math, kaya't sa kaniya sila nagtatanong tuwing may hindi si maintindihan sa math.
Nang mamatay si Kinagipa, dahil sa isang aksidente, inipit ng kaniyang mga magulang ang kaniyang buhok sa isang diksyonaryo at inilibing ito sa kanilang bakuran. Pagkatapos nang ilang mga araw, nagulat ang kaniyang mga magulang dahil ang diksyonaryo na kanilang ibinaon ay bumalik muli sa lupa at naging isang Math Reference Book. Ito ang alamat ng Math Reference Book, salamat sa pagbabasa. :)
Peste 30 de milioane de Storyboard-uri create
Fără Descărcări, Fără Card de Credit și Fără Autentificare Pentru a Încerca!