Hindi ko akalain na darating sa puntong ito… aalis ako sa sariling bayan.Ang lupang pinangarap kong paglingkuran, unti-unti nang kinakain ng kasakiman.Araw-araw akong nakakakita ng katiwalian — sa gobyerno, sa mga opisina, sa mga taong dapat sana’y naglilingkod sa bayan.Pagod na akong makakita ng mga matitinong tao na natatanggal, habang ang mga tiwali ay patuloy na umaangat.
Горка: 2
(tinitigan ang pasaporte)Hindi ko man kilala ang lahat, pero alam kong may patas na laban.Doon, ang pagsisikap ay may kapalit.Ang sipag ay ginagantimpalaan, hindi pinagtatawanan.At higit sa lahat — may dignidad ang bawat tao, may halaga ang bawat boses.
Canada…Ang bansang dati’y nakikita ko lang sa mga larawan, ngayon ay magiging bago kong tahanan.Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito — iiwan ang lupang sinilangan, hindi dahil sa kagustuhan, kundi dahil sa pangangailangan.
Горка: 3
DALAWANG TAON PAGKALIPAS...
Горка: 0
Parang kailan lang, gabi-gabi akong nag-aalala kung kakayanin ko ba talaga ang buhay dito. Ngayon, may trabaho na ako. Maayos na tirahan.Walang lagay, walang pabor-pabor, at kung masipag ka, umaangat ka. Pero kahit gaano kaganda rito,minsan, sumasagi pa rin sa isip ko ang Pilipinas.Sana balang araw…magising akong may balitang nagbago na ang bansa natin. Hanggang sa araw na ‘yon,dito muna ako.Bubuo ng panibagong simula,dala pa rin ang puso ng Pilipino.
Создано более 30 миллионов раскадровок
Никаких Загрузок, Кредитной Карты и Входа в Систему не Требуется!