May dalawang estudyante ang nagkakilala, sina Sovania at Alana. Si Sovania ay anak ng principal sa kanyang eskwelahan, siya ay sikat sa kanilang eskwelahan hindi lang dahil sa kanyang magulang dahil na rin sya ay matalino at maganda. Si Alana naman ay bagong estudyante, sya ay skolar parehas kay Sovania siya rin ay matalino at maganda. At sa una nilang pagkikita ay nagkasuundo na agad sila.
ANG MASAMANG PLANO
Makalipas ang ilang linggo ay may namuong galit at inggit kay Sovania para kay Alana. Pakiramdam niya ay inaagaw lahat ni Alana sa kanya. Pakiramdam niya na inaagaw ni Alana ang mga kaibigan niya sa kaniya, palagi rin nalalamangan ni Alana si Sovania sa klase kaya mas lalo syang nagagalit.
ANG KATOTOHANAN
Naisip ni Sovania kung mawawala ang scholarship ni Alana ay mawawla na rin siya sa eskwelahan at mababalik ang lahat sa dati, lahat ng attention pati rin ang mga kaibigan niya. Siniraan nya si Alana sa Tatay nyang principal, gumawa sya ng mga kwento tungkol kay Alana ngunit hindi sumang ayon ang principal dahil walang sapat na ebidensya, Nagalit ng husto si Sovania.
ANG PAGSISI
Sa sobrang sakim na paguugali nya ay nakakagawa siya ng masama. Gumawa siya ng plano upang tuluyan nang mawala si Alana. Isinama niya si Alana sa lugar kung saan walang tao at pagkarating nila doon ay agad tinulak ni Sovania si Alana pababa sa hagdanan at umalis nang walang alinlangan .
Pumapasok si Sovania na parang walang nangyari. Isang araw napansin niya na lahat ng mga estudyante na masama ang tingin sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Sovania na may nakakita sa kanyang ginawa at nalaman na ng lahat ang totoong dahilan sa pagkahulog ni Alana.
Kabaliktaran lahat ang nangyari kay Sovania. Nawalan siya ng mga kaibigan at lahat ng kaklase nya ay galit sa kanya. Nagalit din ang kaniyang mga magulang at nagdesisyon ang tatay nya na principal ng eskwelahan na ipatanggal sya sa eskwelahan na iyon. Kabaligtaran lahat ang nangyari sa gusto nyang mangyari kaya ngayon ay nagsisisi na siya.
Создано более 40 миллионов раскадровок.
Никаких Загрузок, Кредитной Карты и Входа в Систему не Требуется!