Поиск

Unknown Story

Скопируйте эту раскадровку
Unknown Story

Текст Раскадровки

  • Huh? Binigyan ko na po kayo ng pambayad no'ng nakaraan sa tubig at ilaw ah? Saan niyo po ginamit? Nakabudget na po ang pera ko dahil may kailangan kaming bayaran sa school.
  • Maria, sumuweldo ka na ba? Pahingi nga ako ng pambayad sa utang kay Aling Nena. Pati yung ilaw at kuryente, may dumating na notice, malapit na tayo putulan.
  • Ma naman, pero sabi ko po 'di ba ipambayad 'yon ng tubig at ilaw? Binudget ko po ang pera ko para mabayaran paunti-unti lahat ng gastusin natin.
  • Malamang nagastos na. Kung makapagsalita ka naman eh akala mo malaki ang binibigay mo sa akin. Hindi pa naman ganoon kalaki ang naaambag mo rito sa bahay.
  • Hindi naman po 'yan ang tinutukoy ko. Ang sinasabi ko lang po eh saan po napunta ang mga binibigay ko. Hindi ko po kayang bayaran lahat nang sabay 'yan dahil may kailangan din po akong bayaran sa school kaya inuunti-unti ko.
  • Kaya nga sabi ko sayo magfull time ka na lang para mas malaki ang sahod, pinilit mo pa kasing pagsabayin pag-aaral mo eh sinabi ko naman sayong wala na nga tayong pera.
  • Ma, naririnig niyo ho ba ang sinasabi niyo!!? Ano ho ba ako..investment niyo? Bata pa lang ako eh 'yan na ang lagi niyong sinasabi, na paglaki ko eh kailangan ako na ang magtrabaho at bumuhay sa inyo.
  • Dapat lang naman na tumulong ka na rito dahil matanda ka na, ikaw pa ang panganay. Noong bata ka naman, ako ang nagpapakain sayo, kung makapagsalita ka dyan. Hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob sa akin!
  • Eh wala na nga, ginastos ko rito sa bahay. Kumikita ka lang, naging maramot ka na.!!
  • Hindi sa gano'n ma..
  • Ang gusto niyo eh lahat ng kita ko, ibigay sa inyo. Kahit sa paglilinis at paglalaba ng bahay eh ako rin. Hindi niyo man lang ang tinatanong kung ayos lang ako. Ang turing niyo sa akin ay investment na paglaki eh may makukuha kayo. 'Di ba nga dapat magulang ang bumubuhay sa anak? Sumbat ang araw-araw kong naririnig sa inyo. Salamat po sa pagpapalaki pero sa tingin ko, nabayaran ko na lahat iyon!
  • Hindi kita pinalaki parang maging pabigat. Huwag mo kong sinasagot, bastos ka! Lumayas ka na rito, wala kang kwenta!
  • 'Yan ba ang gusto niyo? Sige, aalis ako! Ilang taon na ako nagtitiis sa bahay na ito. Pinagtrabaho niyo ako sa murang edad para buhayin kayo. Hindi ako nagrereklamo na working student ako pero sumosobra na kayo!
  • Noon pa man, hindi ko na naranasan ang maging isang normal na bata dahil sa nakapatong na obligasyon simula nang ipanganak ako! Hindi ako investment ma...Pagod na ako...
  • .......
Создано более 40 миллионов раскадровок.
Никаких Загрузок, Кредитной Карты и Входа в Систему не Требуется!
Storyboard That Семья