Kumusta, ako nga pala si Ashley nais kong makipagkaibigan at makilala ka. Anong pangalan mo?
Kumusta, ako nga pala si Pauline Joy Macas. Ako ay labing-dalawang(12) taong gulang. Ang pangalan ng aking mga magulang ay sina Generoso at Marcializa Macas. Ako ay pangatlo sa apat na magkakapatid.
Hi Pauline, napakaganda naman ng iyong pangalan. Taga saan ka Pauline at saan ka nag-aaral?
ako ay taga Maybunga Pasig City at nag-aaral ako sa Rizal High School at nasa ikapitong baitang na ako. Pero sa ngayon online class pa lamang kami dahil sa pandemic. Pero sa susunod na pasukan ay magkakaroon na ng face to face.
Ganun ba. Dito sa Leyte face to face na kami pero dati module din kami. Anong gusto mong maging paglaki mo Pauline?
gusto kong maging chef o dikaya'y maging teacher sa paglaki ko, para matulungan ko ang aking mga magulang kahit mahirap ang buhay namin pagsikapan at pagbutihin ko ang aking pag-aaral para ako ay makapagtapos.
Napakaganda naman ng iyong hangarin sa buhay Pauline, nawa'y maabot mo ang iyong pangarap. Ako naman ay nais kong maging nurse balang araw kaya pagbutihin ko rin ang aking pag-aaral.
salamat Ashley napakaganda din ng iyong pangarap, nawa'y maabot mo rin ito.
Masaya akong makilala ka Pauline
Ganun din ako Ashley, masaya rin akong makilala ka.
Создано более 40 миллионов раскадровок.
Никаких Загрузок, Кредитной Карты и Входа в Систему не Требуется!