Unknown Story Storyboard od 010e9617
Vyhľadávanie

Unknown Story

Skopírujte tento Storyboard
Unknown Story

Text z Príbehu

  • Sumisilip pa lang ang araw ay nagtungo na sina Ka Albina sa bukid, kasama niya ang kanyang anak na si Nati at pamangkin na si Pilang upang magdala ng pagkain. Kasama din nila si Ore at nagpapatihuli naman ito sa paglakad at tila baga may malalim na iniisip.
  • Habang abala sa pag-aayos sina Nati at Pilang ay nagpupumilit naman si Pastor na tulungan si Pilang na tinatanggihan naman ng dalaga. Inabutan ni Pilang ng kape si Pastor at habang inaabot niya ang kape sa binata ay sinapupo nito ang daliri ng dalaga na may ibig ipahiwatig kaya namula ang pisngi ni Pilang.
  • Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin kay Pilang.
  • Pagkatapos ng kainan ay sinimulan na nila ang paligsahan sa pagitan ng kani-kanilang kalakian. Sa tubigang ito ay mayroon silang ipinagdiriwang na isang tradisyon o kultura na kung tawagin ay pista ng mga magsasaka. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw.
  • Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod. Kalaunan ay tinawag sila ni Ka Punso para kumain.
  • Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
Vytvorených viac ako 40 miliónov storyboardov
Na Vyskúšanie nie je Potrebné Žiadne Sťahovanie, Žiadna Kreditná Karta a Žiadne Prihlásenie!
Storyboard That Family