ang sabi ni madame forestier ay puwit lang iyon ng baso,nagkakahalaga lamang ng limang daang prangko
Matapos malaman ng lalaki kung gaano lang kahalaga ang kwintas na kanilang pinagpaguran,hindi niya ito nakayanan.Dahil sa tinding gulat kaya siya nawalan ng malay at hindi na nagising kailanman.
Labis ang kaniyang pagsisi sa pagkamatay ng kaniyang asawa.Isinisisi niya ang sarili at aminadong siya ang may kasalanan.Kung hindi lamang siya naging desperada,hindi ito mangyayari.
...
Sa sumunod na araw ay ganon parin ang kaniyang sitwasyon,Mas naging mahirap ang kaniyang pamumuhay lalo na't wala na ang kaniyang asawa.Sinubukan niya ring maghanap ng makakasama pero hindi nagtagumpay dahil narin siguro sa kaniyang katandaan.
labis akong nagsisi,patawarin mo ako,mahal kita.
Sa sumunod na taon,marami siyang nalaman at natutunan.Natuto siyang maging independi at mag ayos sa sarili.Hindi niya rin nakalimutan ang kaniyang kaibigan,si madame forestier kaya madalas silang magkasama.
Ngunit tila ba mayroong kulang sa buhay niya.Hinahanap hanap parin niya ang kaniyang asawa sa panahong siya ay mag isa,masaya at malungkot man.
Doon niya napagtanto ang nararamdaman niya sa asawa,na mahal niya ito.Bumalik ang ala ala niya,tungkol sa asawang matyagang sinasamahan siya kahit na anong problema.Napangiti siya at alam na ang gagawin para sila ay magkasama ulit at sa ngayon,mamahalin niya na ito ng buong puso.
mahal din kita ng lubos mathilde,mabubuhay na tayo ng payapa ngayon.
Vytvorených viac ako 40 miliónov storyboardov
Na Vyskúšanie nie je Potrebné Žiadne Sťahovanie, Žiadna Kreditná Karta a Žiadne Prihlásenie!