Hoy ! kayo r'yan bakit kayo nakatambay at walang mga suot na face mask!
True ka sis! Saka yang face mask nakakainis hindi lang ako makahinga ng maayos
Eh kasi sir antagal na naming nasa loob ng bahay. Bagot na bagot na kami!!
Alam niyo ba na mahal ang pagpapagamot at hindi biro ang magkasakit lalo na sa panahon ngayon .
Kaya sana ay matuto tayong sumunod sa mga patakaran dahil para rin ito sa kaligtasan ng lahat!
Malakas naman ang katawan namin kaya hindi na namin kailangan mag ingat.
Maswerte ka kung ganoon, ngunit hindi mo ba naisip ang mga taong nagpositibo sa covid ngayon? marami sa kanila ay gusto nang umuwi at makita ang kanilang pamilya, idagdag mo pa ang mga walang pahingang frontliners ngunit hindi naman nakakatanggap ng maayos na sahod. Ganyan kasalot ang virus na ito.
Gusto ko na ulit mayakap ang mga anak ko.....huhuhu
Huwag kayong mangamba sir! ginagawa po namin ang lahat para maging maayos ang lagay ninyo
Hangga't marami ang hindi nakikinig at sumusunod mas lalo tayong hindi makakausad sa pandemyang ito!!!
Sana ay isipin niyo rin ang kapakanan ng iba hindi lang ang inyong mga sarili.