1st

1st
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Nagpasiya akong lumabas muna ng bahay at maglakad-lakad muna sa langsangan upang ang puso ko’y huminahon na. 
  • Napahawak ako ng maigi sa kwintas na ibinigay ng Nanay ko. May hindi maipaliwanag na diwa ng proteksiyon talaga akong nararamdaman sa tuwing nagagawa ko iyon.
  • Nang ako’y nakapasok sa aking silid, pumunta ako sa aking kama ng walang pag-aalinlangan, at natulog ako.  Nadarama ko na nakatulog ako ng ilang sandali, ngunit ako ay nagkaroon ngbiglaang simbuyo upang gumising at lumipat ng posisyon.
  • Sa segundong iyon, may boses ng isang babae naumalingawngaw sa silid na dahan dahang lumalapit sa aking mga tainga.
  • Ako ito. Parating nandyan, kahit saan at kahit kailan. Ibinabago ko ang mga salita na naririnig mo ngayon at tila iniiba mula sa kung ano ang pinupuna mo galing sa sinasabi ng taong ito. Nananatili na ako rito sa panahon na ang haba’y parang buhok mo. Hangga’t sa iyong matandaan, gayon pa man.
  • Marahil ay nagtataka ka na nga kung sino ako. Natural lang ‘yan. Siyempre, alam mo na. Ako’y ikaw. Ako ang tunay na ikaw. Ako ang diwang umiiral dito bago mo ninakawang aking katawan—bago mo nakalimutan ang pagiging isang taong nabubuhay sakalinga ng iba! Ako ay ang batang tumingin sa maling direksyon, nagtanong samaling tanong, nakita ang alighong bagay-
  • Sinubukan kong gumalaw at sumigaw pero hindi ko kaya!
  • Naaalala mo ba ang oras na ako’y sumigaw, nagpapalabas ng sindak sa pamamagitan ng iyong katawan at nagtatakdang kay-bilis na pagpintig ng iyong puso? Iyon ay nakakaaliw nga talaga. 
  • Kung minsa’y sinasambit ko ang iyong pangalan habang natutulog ka at ako’y bumubulong nang maigi sa iyong mga tainga. 
  • -- ngunit ngayo’y hindi na ako ganon kaliit. Maaaring nakalimutan mo na nga ako, ngunit narito pa rin ako. Lagi akong naririto. Lalabas ako at sa wakas ay ako na ang mamamahala. 
  • Sa panahong akala ko’y di ko na kaya at lingapko’y mamamatay na talaga ako, biglaang huminto ang boses ng babae. Nangnaimulat ko ang aking mga mata, nahilo ako at naghintay na umayos ang aking pananaw. Napansin ko ang pagtulo ng aking pawis na parang gripo. Sa wakas ay naigalaw ko na ang aking katawan at hindi ko na napigilang umiyak. 
  • Ibinukas ko ang aking cellphone at nakita ko na 11:03 na ng gabi.
More Storyboards By 04ecf934
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TPT Store