Questions About Remote Learning? Click Here

Ang Alamat ng Nightingale ni Sophia Ella D. Cenit
Updated: 9/11/2020
Ang Alamat ng Nightingale ni Sophia Ella D. Cenit
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Text

  • Noong unang panahon, may dalawang princesang magkakapatid na nangangalang Gail at Pia. Sila'y mahilig kumanta, Kada gabi, pumupunta sila sa bayan para mapakita nila ito sa mga taong-bayan.
  • Pero si Gail ay isang inggitera sa kanyang kapatid, kahit anong gawin ni Pia para manuyo niya si Gail ay wala paring kwenta. Tuwing gabi, napapaisip nalang ni Gail ang mga gusto niya maisumpa sa kaniyang kapatid.
  • Isang araw, naglalakad si Gail sa kaniyang bayan noong may bigla siyang nabanga. "Anak, magingat ka. Hindi maganda ang galit mo sa kapatid mo. Baka ikaw ay maisumpa ng Diwata." Sabi ng matanda.
  • "Hahaha! Mukha ba akong uto-uto? Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga sinsabi mo? Umalis ka na nga sa daanan ko, shoo!". Ang matanda ay napatingin sa kaniya, mukha'y may halong galit at alaala. Tinuloy niya lang paglakad niya hangga't sa napagod siya at umuwi nalang siya.
  • Pag gising nya sa susunod na umaga, hindi niya maramdaman ang kaniyang mga braso at paa. Parang lumiit din ang paningin niya. Hala, si Gail ay nakakalipad! Lumipad siya sa kaniyang salamin at nagulat siya sa kaniyang repleksyon. Siya'y nasumpa, siya'y naging ibon! Buong araw, nawawala si Gail. Buong araw din siyang hinahanap ng buong kaharian.
  • Si Gail ay napalipad papunta sa bintana ng kaniyang kapatid na nakaupo sa kama habang umiiyak ng todo at lumuluksa. Nakita niya ang maliit na ibon sa kaniyang bintana. "Ano kayang uri ng ibon to? Hindi ko pa ito nakikita." Napansin ni Pia na kakulay ng ibon ang kaniyang kapatid. Lalo napaiyak si Pia at mula ngayon, inalagaan ni Pia ang bon na ito. Tinawag niya itong Nightingale.
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family