Siya nga pala, may balita ka ba kay nicka?Matagal ko na kasi siyang siyang hindi nakikita. Kumusta na kaya siya?
Wala nga rin akong balita sa kanya . Hindi man lang kasi magparamdam ang babaeng yon. Naku kapag nakita ko talaga siya, kukurutin ko siya sa kanyang singit.
Oh, huwag ka ng magtampo sa kaibigan natin. Baka may importante siyang ginagawa. Intindihin na lang natin siya.
Hay, oo baka nga. Pasensya na , hindi ko lang mapigilang magtampo sa kanya.
Eh kung puntahan kaya natin siya bahay nila?
Oo nga!Magandang ideya yan.
Oh ano, tara?
Ay teka lang, alam mo ba kung saan ang bahay nila?
Oh siya sige, tayo na.
Hala, paano yan hindi ko rin alam.
Oh, magandang umaga rose. Tamang tama, maaari bang samahan mo kami sa bahay ng pinsan mong si nicka?
Wala siya ngayon sa bahay na inuupahan nila, umuwi sila sa probinsya. Hindi niyo ba alam kamamatay lang ni tiyo Noel? Kinamatay ni tiyo ang sakit na dulot ng Covid-19.
Gusto sana namin siyang bisitahin.
Naku, pasensya na hindi namin alam. Kami ay nakikiramay sa inyong pagdadalamhati rose.
Grabe talaga ang idinulot ng pandemyang ito sa buhay ng mga tao.
Sana nga ay matapos na itong pandemyang kinakaharap natin.