Sa kahariaan ng Arnia may isang napakagandang dalaga, Siya ay may mabuting pag uugali lagi niyang tinutulungan ang mga taong nangangailangan. Bukod sa kanyang angking kabutihan siya rin ay may talento sa pakikipaglaban. Bata pa lamang ay pinangarap na niyang maging isang magaling na mandirigma.
Isang araw biglang ipinatawag ng hari ang lahat ng kawal upang labanan ang karatig bansa. Hindi makasali si Tanashiri sa digmaan dahil nakasaad doon na walang babae ang pinapayagan sa digmaan.
Tama, Hindi ka maaring sumali sa digmaan mahal na prinsesa
Sasali ako sa digmaan. Hindi ako papayag na matalo ang ating kawal. Madaming tao ang umaasa sa atin.
Mahal na prinsesa! Hindi maaari.
Mangyaring bigyan ako ng lakas upang iligtas ang aking mga tao at ang aking mga mahal sa buhay at gabayan ako at ang aking mga tao sa tagumpay.
Binigyan ng mga diyos at diyosa si Tanashiri ng kapangyarihang katumbas ng sa kanila. At kaya pinangunahan ni Tanashiri ang kanyang mga tao sa tagumpay at iniligtas ang kanyang mga tao mula sa pagsakop ng kabilang kaharian.
Pagkatapos ng digmaan, pinuri at hinangaan ng mga tao si Tanashiri dahil sa kanyang katapangan at pagmamahal sa kanyang mga tao. At dahil sa kapangyarihan, natanggap niya mula sa mga diyos at diyosa siya ay nabuhay nang mas matagal at pinrotektahan ang kanyang kaharian mula sa ibang mga kaharian na nagtangkang saktan sila.