Bidasari
Updated: 5/30/2020
Bidasari
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Text

  • Labis na naligayahan ang sultan ng Kembayat nang malamang ang mahal na sultana ay nagdadalantao. Ang lahat ay maligaya sa magandang balitang iyon.
  • Nang biglang sumalakay ang itinuturing na salot ng kaharian, ang higanteng ibong si Garuda. Nang sila'y lusubin nito, nagsitakas at nagsipagtago ang mga tao at iniwan nila ang kaharian.
  • Napahiwalay ang mag asawang sultan at sultana sa karamihan. Inabot ng panganganak ang sultana sa tabi ng ilog. Iniwan nila sa bangka ang sanggol at sila ay nagpatuloy sa pagtakas.
  • Ang nakapulot sa sanggol ay isang mangangalakal na nagngangalang Diyuhara. Taga Indrapura si Diyuhara. Palibhasa wala pa siyang anak noon ay inalagaan niyang isang tunay na anak ang sanggol at pinangalanan itong Bidasari.
  • Habang lumalaki'y lalong gumaganda si Bidasari. Maligayang maligaya siya sa piling ng kinagisnang mga magulang.
  • Si Sultan Mogindra ang sultan ng Indrapura. May dalawang taon na siyang kasal kay Lila Sari. Masyado siyang mapanibughuin kahit makailang ulit sabihin ng sultan sa kanya na mahal na mahal siya nito. Ipagpapalit lamang siya kung may matatagpuang babae ang sultan na higit sa kagandahan ng asawa.
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family