Ang Aking Talambuhay - Inell Clyde

Updated: 9/26/2021
Ang Aking Talambuhay - Inell Clyde

Storyboard Text

  • Ako ay pinanganak noong Agosto 27, 2011 sa bansang Pilipinas.Masayang masaya ang aking mga magulang sapagkat ako ay ipinanganak na malusogat walang sakit.
  • Noong ako ay naging 1 taong gulang natuto akong maglakad at bumigkas ng mga salita gaya ng daddy at mommy. Tuwang tuwa din ang aking mga magulang sapagkat magana din akong kumain.
  • Noong ako ay naging tatlong taong gulang ay tinuturuan na ako nang aking mga magulang kung paano mag sulat at magpakilala ng aking sarili para sa nalalapit kong pagpasok sa paaralan.
  • At nang sumapit na ako sa ika limang taong gulang ay nagsimula na akong mag aral.Nung una ay kinakabahan ako makihalubilo sa iba kong kaklase buti nalang at mabait ang aking guro.
  • Pinalakas nya ang aking loob at tinuruan ako makitungo sa iba kong kaklase. Simula noon ay naging palagay na ang aking loob at naging masaya na ako palagi sa pagpasok sa paaralan.
  • Masaya ang naging takbo ng aking pag aaral mula noong KG1 haggang ngayon na nasa ika limang baitang na ako.