Ma, Pa, mababa po ang nakuha kong grades sa math. Imbes po na mag review ako at mag aral, sumama ako sa gala ng mga kaibigan ko.
Ha?! Hindi ba ang sinabi ko sa iyo ay mag-aral ka at gusto ko mataas ang grades mo?! Ano ba ang nangyayari sa iyong bata ka??
Pero ma, palagi nalang ako nag aaral, hindi ko na nararanasan yung mga nararanasan ng normal na mga estudyante!
Palagi nalang akong nakakulong, nag-aaral. Kung magpapaalam ay sila pa ang galit at kung tatakas naman ay magagalit pa rin sila. Saan ba ako dapat lumugar?
Mali ba talaga ang ginawa kong iyon? Ang gusto ko lang naman ay mag-enjoy at kalimutan ang mga pagsubok sa buhay kahit sa sandaling panahon.
Tama, mali pa rin ang ginawa ko at dapat akong humingi ng pasensya sa ginawa kong pagwalk out kay mama.
Anak pasensya na kung masiyado kaming mahigpit sa iyo. Gusto lang naman namin ang nakabubuti para sa iyo, hindi ko na namalayan na nasasakal ka na pala.
Ma, sorry din po kung hindi ako nagpaalam na gagala na naging dahilan nang pagbaba ng grado ko. Hindi na po mauulit.