Pakasalan mo 'ko at hindi ko sisirain ang kaharain niyo.
Mula sa umpisa si Hiraya ay matulunging dalaga na galing sa kaharian ng Gerbanya, mayroon siyang alagang ibon na kasing pula ng apoy. Simple lamang ang kanyang pangarap sa buhay ito ay ang patuloy na makatulong sa mga naninirahan sa kaharian ng Gerbanya.
Buti na lamang at may dumating upang iligtas ako.
Sinong takot, baka ikaw ang takot!
Si Paulo ay isang prinsipe ng karatig na kaharian, mayroon siyang alagang Lion na kayang lumipad. Si Prinsesa Ligaya ay ang prinsesa ng Kaharian ng Gerbanya na nakakulong sa mataas na kastilyo. Maya-maya ay nailabas na ni Prinsipe Paulo si Prinsesa Ligaya ngunit ang hindi alam ni Prinsesa Ligaya ay gagawin siyang bihag ni Prinsipe Paulo.
Huwag ka ng babalik pang muli
Kinabukasan pagdating sa kastilyo ng kaharian ng Gerbanya, agad na sumugod ang mga mamamayan na pinangakuan ng matiwasay na buhay ni Prinsipe Paulo kapalit ng pagtalikod nila sa kanilang tirahan. Pagdating ng dapit hapon kanilang binihag si Prinsipe Ligaya kapalit ng pananatili ng Kaharian ng Gerbanya.
Nang marinig ni Hiraya ang balita ay agad siyang pumunta sa kastilyo para saklolohan ang kaniyang tirahan at ang prinsesa. Hinamon niya si Prinsipe paulo ng labanan ng kanilang espeda.
Sa labas na lang natin to ipagpatuloy o baka natatakot ka?
Pinagpatuloy ni Prinsipe Paulo at Hiraya ang laban sa labas ng kastilyo hanggang sa matalo ang isa sakanila. Ang nagwagi ay si Hiraya at kanyang sinabi na huwag ng babalik pang muli si Prinsipe Paulo sa kaharian ng Gerbanya kung ayaw niyang mapugutan siya ng ulo.
Sandali sumusuko na ko
Kalaunan ay nagkaroon ng selebrasyon sa kaharian ng Berbanya dahil sa pagkapanalo ni Hiraya, nagkaroon din sila ng magandang pagkakaibigan ni Prinsesa Ligaya. Lahat ay nagdiwang at hindi na muli pang nagkaroon ng gulo sa Berbanya simula ng maging kabalyero si Hiraya, patuloy niyang niligtas ang kanilang bayan hanggang sa kaniyang huling hininga.