Yow, Lian andiyan ka na pala. Alam mo ba, nakakaumay na manood ng balita, parang paulit ulit na lang. Ha? Parang mas maayos pang manood na lang ng mga anime o k-drama kase nakakatuwa di katulad ng balita. Boring. Ha? Sge ba.
Hello, khane. Syempre di mo naman sasabihin na nandiyan na ko kung wala pa ako hehe. Charot. Di kaya, Nakatutulong sa atin ang maging mapanuri sa mga isyu. Okay lang na manood ng mga anime o k-drama pero kailangan ay may alam pa din tayo sa nangyayari sa ating paligid.Kaya di mo masasabing boring yan. Gusto mo tanong pa natin yan kila thea at she.
Dapat na ba kong kabahan? HHAHHA, omai. Pero may point naman ako ah. Sariling opinyon din naman.
Dapat lang. Heh, meron ka ngang point. Pointless haha, charot. Oo pwede ang sariling opinyon pero hindi sa lahat ng bagay. May mga sitwasyon na dapat tama at totoo lang ang paniwalaan. Lalo na kung makaaapekto ito sa buhay sa hinaharap.
Hi mga teh! Nag-usap kase kami ni khane tungkol sa mga araw-araw na isyu o pwede naman nating tawaging kontemporaryong isyu. Sabi niya boring daw at nakakaumay. Ano sabi niyo mga teh?
Hello din teh! True, kase alam mo makatutulong sa atin ito para maging mulat tayo sa mga bagay at kaganapan, upang makagawa ng matalinong pagpapasiya, upang maging prduktibo, upang makapag-ingat, upang maging makabuluhan sa lipunan at iba pa.
Hi tehhh! Hmm, di dapat ganiyan isipin mo khane. Kase alam mo mahalaga na pinag-aaralan at mulat tayo sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.
Bukod pa don, mas nagiging agresibo tayo lalo na sa pag iisip at pag aksyon sa mga suliranin. nagkakaroon tayo ng makabagong teknolohiya o mga ideolohiya sa ating daidig upang lutasin ang mga suliranin. Diba mga teh? Oh ano may sasabihin ka pa ba? Ngayon alam mo na kung bakit mahalaga ang kontemporaryong isyu sa ating lahat, sa lipunan at sa mundo ah.
Awts gege, natameme ako dun ah omai. Pero tama naman sila. Huwag ka na lang magsalita self, kung hindi raratratin na naman nila akooo!
True ga diyan ghorl.
Ako din teh sumasang-ayon.
Oo na gets ko na hehe. Nakita ko na point niyo at tama naman na mahalaga nga na pag-aralan at maging mulat tayo sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigidg. Dahil para din naman sa atin to. Sge babye thea at she. Sge tara na't umuwi hahahha.
Goods, buti naman at nakuha mo ang point namin. Oh siya, sge na mga teh una na kami nila khane. Sabay na kami sa pag-uwi Bye Thea, bye she. Tara na khane.
Buti naman. sge na teh pasok na kami anong oras na. Byeeee saka na lang
Bye din teh, khane pasok na kami byee.
Oh ayan ah, nagpag-usapan na natin. kung ano kahalagahan ng pag-aaral at pagiging mulat sa kontemperaryong isyu sa lipunan at daigidig. Huwag na huwag mong kakalimutan yan, tsaka kung may makausap ka man na may katulad sa pag-iisip mo, ibahagi mo yung mga salitang sinabi namin sayo. Okay? Sge na saka na lang ulit pasok na ko byeeeeeeee.
Oo, salamat dahil sa inyo nakita ko sa ibang pananaw ang kahalagan ng kontemporaryong isyu. Simula ngayon patuloy kong susubaybayan ang mga nangyayari sa paligid, lipunan, o daigdig natin para alam ko kung ano ang problema at dapat gawin. Oo naman, ipapahayag ko sa kanila yon ng buong-buo. Sge na babyeeeee saka na lang ulit.