Si Liongo ay isinilang sa apitong baybaying dagat ng kenya. Siya ay isang mahusay na makata at mandirigma na hindi nasusugutan ng ano mang armas.
Subalit kung siya ay tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Ang nakakaalam lamang nito ay ang kaniyang ina na si Mbwasho.
Siya rin ay naghari sa iba't ibang lugar pati na rin sa isla ng Pate na dating pinamumunuan ni Haring Ahmad, ang kaniyang pinsan. Mula sa pamumunong matrilinear ay naging patrilnear ito noong siya ay namahala.
Dahil sa pagnanasa sa kapangyarihan ay ikinulong ni Haring Ahmad si Liongo. Habang inaawit ang parilala ng mga tao sa labas ng bilangguan ay nakahulagpos siya sa tanikala ng hindi nakikita ng bantay. Nang tumigil sa pag-awit, tumakas si Liongo patungo sa kagubatan.
Doon ay nanirahan siya at nagsanay. Nanalo pa siya sa paligsahan sa pagpana ngunit ito pala ay paraan ng hari upang siya ay madakip ngunit siya ay nakatakas muli. Nang magwagi si Liongo sa digmaan laban sa Gala ay binigay ng hari ang kaniyang dalagang anak kay Liongo upang mapabiling siya pamilya.
Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki. Ang kaniyang anak ang siyang nagtraydor sa kaniya at pumatay sa huli.