Si Prinsesa Rhea ay nahuli ng kaniyang masamang tiyuhin na si Amulius upang siya’y hindi manganak ng taga pag mana ng trono
Ikaw ay bawal ng lumabas dito!
Iniwan ni Princesa Rhea ang kanyang tiyuhin at nag isang-dibdib kay Mars, ang Diyos ng digmaan. Nag karoon sila ng dalawang kambal na anak na si Romulus at Remus.
Dahil dito nainggit ang tiyuhin ni prinsesa Rhea at pinagpapatay silang dalawa, Inutusan din niya ang isang alipin na patayin ang kambal, ngunit ang alipin ay naawa kaya’t nilagay nalang sila sa isang basket at ipinaanod sa ilog Tiber.
Inampon ng isang babaeng lobo ang kambal, napagkamalan ng lobo ang kambal bilang kaniyang tunay na anak kaya’t Inalagaan at ipinasuso ng lobo ang kambal, hanggang sila’y natagpuan at nasagip ng isang magpapastol.
Kinupkop ng mag-asawang pastol ang kambal at itinuring sila bilang kanilang anak, ang kambal ay gumawa ng sarili nilang siyudad malapit sa ilog Tiber. Ngunit hindi sila magkasundo kung kanino ipapangalan ang siyudad, kaya naglaban sila hanggang mapatay ni Romulus si Remus.
Ipinangalan ni Romulus ang siyudad bilang Rome, na hango sa kanyang pangalan at siya ang naging unang hari ng Rome.