Search
  • Search
  • My Storyboards

Unknown Story

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit Nito Batay sa Kausap
  • Mare, bakit ka pumunta rito? May nais ka bang sabihin?
  • Oo, mare. Hindi ko kayang nag-aaway tayo. Nais ko sanang makapag-usap tayong dalawa.
  • Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit Nito Batay sa Pinag-uusapan
  • Alam ko rin na pareho tayong nagkasala. Dahil mukhang mapapahaba ang ating usapan, doon tayo mag-usap sa aming sala.
  • Maraming salamat!
  • Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit Nito Batay sa Lugar
  • Simulan natin sa araw na tayo ay nagkaaway. Natatandaan kong pareho tayong banas noong gabing iyon dahil pareho tayong hindi nakadalo sa party.
  • Malamang ay iyon ang dahilan kung bakit tayo nakapagbitaw ng masasakit na salita sa isa't isa. 
  • Ang magkaibigang Reimaleane at Jaesel ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan noong nakaraang linggo. Kaya naman, pumunta si Jaesel sa bahay ni Reimaleane.
  • Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit Nito Batay sa Panahon
  • Isa pa, noong nalaman nating hindi tayo makakadalo sa party, halos isang oras kang nakatutok sa cellphone mo upang kausapin ang iyong palangga. Sinasabi kong subukan natin na baka pwede pang humabol sa party ngunit hindi mo ako pinansin.
  • Upang makapag-usap sila nang maayos at komportable, niyakag ni Reimaleane si Jaesel sa kanilang sala. Sa sinabi ni Reimaleane, ang unang sala na sinabi niya ay tumutukoy sa kasalanan. Ang ikalawang sala na kanyang sinabi ay tumutukoy sa isang parte ng bahay.
  • Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit Nito Batay sa Grupong Kinabibilangan
  • Dahil hindi mo ako pinansin, nainis ako kaya nakapagsabi ako ng mga masasakit na salita. Ang chaka ng ugali ko noong gabing iyon.
  • Pareho tayong may mali dahil una, dapat ay kinausap kita dahil ikaw ang aking kasama. Isa pa, nagulat lang din ako kaya ako naging patola.
  • Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Ang sinabi ni Reimaleane na "banas" ay hindi nangangahulugang mainit na panahon. Dahil si Reimaleane ay Tagalog, ang ibig sabihin ng salitang ito ay inis.
  • Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit Nito Batay sa Layunin
  • Malapit na ang curfew. Umuwi ka na dahil baka ikaw ay hinahanap na. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito dahil nagkaayos na tayo.
  • Noong hindi sila nakadalo sa party, sinubukan pa rin ni Reimaleane na humabol upang makadalo ngunit hindi siya pinansin ni Jaesel dahil kausap niya sa cellphone ang kanyang nobyo. Makikita rito kung paano nagbago ang katawagan sa "kasintahan."
  • Naiilang kasi akong kausapin ka kapag kasama mo ang jowa mo. Kaya ang ginawa ko, nilibang ko na lang ang sarili ko.
  • Patuloy na humingi ng tawad ang isa't isa. Dahil dito, sila ay naliwanagan at nagkaayos na. Sa kanilang pag-uusap, sila ay gumamit ng mga gay lingo tulad ng chaka (pangit) at patola (laging pumapatol).
  • Matapos ang pag-uusap, pinauwi na ni Reimaleane si Jaesel dahil baka siya ay abutin pa ng curfew. Ang layunin ni Reimaleane ay hikayating umuwi na si Jaesel dahil baka siya ay hinahanap na ng kanyang mga magulang.
  • Maraming salamat din sa iyo. Nawa ay hindi na maulit ang pangyayaring iyon.
Over 30 Million Storyboards Created