Ang Tsinelas ni Rizal
Updated: 12/2/2020
Ang Tsinelas ni Rizal

Storyboard Text

  • Ang Tsinelas ni Jose Rizal
  • Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna.
  • Ang Tsinelas ni Jose Rizal
  • Ang mga bangkang may layag ay parang mga paruparong puti na naghahabulan.
  • Ang Tsinelas ni Jose Rizal
  • Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
  • Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay nagpapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
  • Ang Tsinelas ni Jose Rizal
  • Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay takatigil sa tubig.
  • Ang Tsinelas ni Jose Rizal
  • "Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?"
  • Karamihan sa gamit nito ay pangingisda ngunit sa aming lalawigan, ang bangka ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat.
  • Ang Tsinelas ni Jose Rizal
  • "Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay walaring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad."
  • Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas
  • (Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawasa kahoy ay hindi nararapat.)
  • Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
  • Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
  • Inspirasyon: "Ang Tsinelas ni Rizal" ni Dreamwolf500
  • Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
  • Gawa ni Trishia Sy - GERIZAL YY12