Sa utos ng Hari ng Espanya na palaganapin ang Kristiyanismo, nagbukas ng paaralan ang mga pari sa bansa. Sa paaralan itinuro ang mga dasal at iba pang aral tungkol sa Diyos at pagiging Kristiyano. Ilan sa mga kilalang kolehiyo ay ang Colegio de Sto. Tomas, na kilala na ngayon bilang Unibersidad ng Sto. Tomas at Colegio de San Juan de Letran.
May nabasa ako sa internet na ipinakilala rin sa atin ang larong patintero at sipa. Ang galling!
Tama ang iyong sinabi Anji. Ang mga Espanyol ang nagpakilala sa atin ng libangan katulad ng iyong sinabi.
May isa pa pala na naimpluwensya sa atin ng Kastila, ang ating salita. Ang iyong tinuran, ang kwarto ay isang halimbawa ng salitang ating natutunan sa kanila. Sige ,magpahinga ka na at maya-maya ay manananghalian na tayo at ang ating ulam ay Kaldereta, ang isang ulam na namana natin sa mga Kastila.
Yehey!
Hay Salamat at nakauwi na rin. Papasok po muna ako Inay sa kuwarto.